^

PSN Palaro

Padyak Pinoy Pepedal Na

- Joey Villar, Nelson Beltran -

MANILA, Philippines - Tuloy na tuloy na ang Padyak Pinoy “Tour of Champions Invitational challenge 2009, bukas kung saan papadyak ang mga siklista sa walong yugtong karera na magsisimula sa Global City sa Taguig patungong Apalit, Pampanga.

Sinabi ni Tour chairman Gary Cayton na sabik na sabik na ang mga riders na subukan ang kanilang kakayahan kahit suungin pa ang bagyo.

Ayon sa ulat ng panahon, padating na ang bagyo dito sa bansa at tatahakin ang northern at central Luzon. Ngunit balewala ito sa mga beteranong siklista na sanay sa init at ulan makabalik lamang sa karera matapos ang dalawang taong pahinga.

Labinglimang koponan na binubuo ng limang siklista bawat team ang maglalakbay sa eight-stage tour na kapapalooban ng 1,150km na flat roads, hairpin curves at bulubunduking akyatin.

Ang karera ay magdadala sa mga bikers sa probinsiya ng Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Pangasinan, Tarlac, La Union, Ilocos Sur, Ilocos Norte at Benguet, na tatahakin ang mapanganib na 8-loop Baguio-to-Baguio lap.

Pagkatapos ng Taguig-Apalit stage (165 kms), susundan ito ng Apalit-to-Apalit ride (98 kms) Apa-lit-Dagupan (171 kms), Dagupan-San Fernando, La Union (71 kms); San Fernando-Vigan (139 kms), Vigan-Laoag-Vigan (160 kms), Vigan-La Trinidad (163 kms) at ang Baguio-to-Baguio finale (195 kms).

May kabuuang premyong P2.2M ang naghihintay kung saan magbubulsa ang team champion ng P500,000 at ang individual winner naman ay P50,000. Tatanggap naman ng tig-P20,000 ang King of the Mountain at Rookie of the Year awardee.

DAGUPAN-SAN FERNANDO

GARY CAYTON

GLOBAL CITY

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

KING OF THE MOUNTAIN

KMS

LA UNION

NUEVA ECIJA

PADYAK PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with