Nepomuceno nagpagulong ng bagong RP record
MANILA, Philippines - Naglista ng isang bagong national records sa apat na laro si Six Time World Champion Paeng Nepomuceno kahapon sa 41st Manila Tenpin Bowling Association sa Bowling Inn sa Taft Avenue.
Mainit na mainit si Nepomuceno sa pagpapagulong ng 12 sunud-sunod na strikes para sa perpektong 300 games sa unang game sa singles evemt qualifying at sinundan ng 11 pang sunud-sunod na strikes para sa halos perpektong laro na 299 kasunod ng 268 at 256 para sa bagong national record na 1,123 na may average na 280.75 pinfalls bawat laro.
Kinakatawan ni Nepomuceno ang PBC at Nutrilite, nagrolyo uli ito ng 23 sunud-sunod na strikes sa unang dalawang laro na napigil lamang ng 7 pin. Ang kanyang unang tatlong laro ay umabot sa 867 na isang personal high din para kay Nepomuceno.
Binura ni Nepomuceno ang dating record na 1,103 na inilista ni Marcus Reyes noong 1994.
“ I am happy that at 52 years old, I am still competitive and I surprised myself with the way I bowled yesterday and am happy I did it in a Philippine Bowling Congress Open tournament”
Sa edad na 52 anyos, hindi nagpakita ng kahinaan si Nepmuceno. Kamakailan lamang pinarangalan ito ng Guinness World Records sa ikatlong pagkakataon dahil sa pagkakaroon ng pinakamaraming career titles na 118.
- Latest
- Trending