MANILA, Philippines - Isang followup shot ang naisagawa ni Jai Lewis mataps magmintis ang drive ni Solomon Mercado sa closing seconds at malusutan ng Rain or shine ang Talk N Text sa overtime na nagpalakas sa kanilang malaks na pagtatapos sa Motolite PBA fiesta Conference classification rouns sa Araneta Coliseum, kagabi.
Ang Elasto Painters, anf second worst freethrow shooting team sa liga, ay muling nanghina sa foul line ngunit naipako ang clutch field goal baskets para makaiskor ng ikalawang sunod na panalo para sa record na 7-5.
Mismong si Lewis ay masama ang nilaro sa freethrow line ngunit kumana pa rin ng game high 29 puntos, kabilang na ang game-wnning sa dying second.
Mas maaga pa sanang naipanalo ni Lewis ang laro ngunit nag-split ito sa sharities may 3.9 tikada ang nalalabi sa regulation play.
At sa overtime, muling nakuha ng Elasto Painters ang tsansa na maagang maibulsa ang panalo ngunit nagmintis si Gabe Norwood sa krusiyal na free throws.
Nakuha ang offensive rebound, sumandal ang Tropang Texters sa kailang rookie na si Jason Castro para sa isang tres na nagtabla sa iskor sa 116 all may 9 na seugndo na lang ang nalalabi.
Sa sumunod na play, ibinigay ng Elasto Painters ang bola sa kamay ni Mercado. Nagmintis aito sa drive ngunit nakuha naman ni Lewis ang defensive rebounds at purtback.
Dahil dito, naipaghiganti ng Elasto Painters ang kanilang 96-102 kabiguan sa Texters sa unang nilang pagkikita.
Hindi naging maganda ang debut ng bagong import na si Gary Forbes para sa Texters.