Milo National Open trackfest tatakbo sa Lingayen

MANILA, Philippines – Tinatayang may 1,000 atleta, kabilang na ang 150 dayuhan ang sasabak sa aksiyon sa 2009 MILO-National Open Track and Field Championship na nakatakda sa May 10-12 sa Don Narcisco Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen.

Apat pang bansa--Singapore, Hong Kong, Sri Lanka at Vietnam--ang nagkumpirma ng kanilang partisipasyon na nagpadami sa foreign teams sa walo ngayong taong Open na ipiniprisinta ng Milo, Provincial Government of Lingayen at Dagupan City Mayor Alipio ‘Al’ Fernandez, na pinakamalaki kung ang partisipasyon ang pag-uusapan.

Nagsumite na rin ng kani-kanilang lineup ang palagiang karibal na Thailand, Malaysia, Chinese-Taipei at Sri Lanka para sa event na may basbas ng International Amateur Athletics Federation (IAAF).

“Counting the number of local teams to 45, this year’s Open double the number of participants in last staging of the Open in Palayan, Nueva Ecija.We are happy with the support extended by Mayor (Al) Fernandez and the Lingayen provincial board member,” wika ni athletics chief Go Teng Kok.

Sinabi ni Go na ang elite member ng Go’s Army na kinabibila-ngan ni Arnel Ferrer, na nagwagi ng ginto sa hammer throw event sa Thailand Open kamakailan, ay awtomatikong kabilang sa RP Team na tutungo sa Laos SEAG, ngunit may slots pang bukas para sa mga local athletes na magniningning o makakawasak ng national record.

Bukod kay Ferrera, sasandal din ang Phlippines sa talento nina SEAG long jump record holder Henry Dagmil at Marestela Torres kasama sina marathoner Cristabel Martes, Eduardo Buenavista, steeplechase Rene Herrera, thrower Danilo Fresnido at middle distance runner Joebert Delicano.


Show comments