^

PSN Palaro

RP Open Grand Prix Badminton sa Pinas

-

MANILA, Philippines – Ilan sa mga world top-rated badminton players na kinabibilangan nina Malaysia’s No. 1 Lee Chong Wei at tambalang Koo Kien Keat at Tan Boon Heong, ang tutungo sa Manila sa July 1-5 sa pagpalo ng Bingo Bonanza Philippine Open Grand Prix Badminton na gaganapin sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Kinumpirma na ng Malaysian ang kanilang partisipasyon sa $120,000 event, kasama sina Indonesian world Lilyana Natsir at Nova Widianto, China’s Zhou Mi at ang pares nina Chien Yu Chin at Cheng Wen Hsing.

Ito ang ikatlong pagkakataon sa apat na taon na itataguyod ng Bingo Bonanza ang panguna-hing kampeonato matapos na pagbigyan ang Beijing Olympics noong nakaraang taon.

Sinabi naman ni Bingo Bonanza president Albee Benitez na ang kampeon noong huling Bingo Bonanza RP Open ay babalik para idepensa ang kani-lang mga titulo sa limang araw na kampeonato.

Sina Lee at Zhou ang defending champions sa singles events habang ang Koo-Tan pair ang men’s doubles titlists. Sina Natsir at Widianto ang naghari sa 2007 mixed doubles event habang sina Chien at Cheng ang reigning champions sa women’s doubles.

Nakahanda namang humadlang sa kanilang kampanya ang mga top players mula Korea, Vietnam at England habang ang mga promising talents mula sa China at Indonesia ay lalaro din sa naturang torneo na suportado ng Victor (PCOME Industrial Sales, Inc), PLDT Business Solutions, The Philippine STAR, Holiday Inn, Crowne Plaza at Solar Sports, at inorganisa ng International Management Group na may basbas ng PBA.


ALBEE BENITEZ

BEIJING OLYMPICS

BINGO BONANZA

BINGO BONANZA PHILIPPINE OPEN GRAND PRIX BADMINTON

BUSINESS SOLUTIONS

CHENG WEN HSING

CHIEN YU CHIN

CROWNE PLAZA

HOLIDAY INN

INDUSTRIAL SALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with