Oracle, umarangkada muli
MANILA, Philippines – Mula sa nalasap na pagkatalo, muling nagbaga ang lakas ng Oracle Residences matapos paluhurin ang minalas na Cobra Enegy Drinkers nang maipanalo ng Titans ang laban, 97-80, kahapon para sa 2009 PBL PG Flex Unity Cup sa San Juan Gym.
Maiinit ang mga pinaka-walang basket nina John Wilson at Benedict Fernandez sa ikatlong yugto para pumoste ito ng 58-36 lead.
Ang 9 points produksyon at 12 rebounds ng beteranong si Rico Maeirhofer ang lalong nagbigay distansya laban sa Cobra.
Samantala, naglista rin si former National University star, Edwin Asoro ng 12 points at 5 rebounds para iabante ang tropa.
Matagumpay na naibalik ng Oracle ang magandang record matapos mapahiya sa Magnolia, 77-75 noong nakaraang Linggo.
Kasalukuyang hawak ng Cobra ang 2-6 baraha.
Gayunpaman, hindi na umubra ang kamandag ng Cobra nang manamlay ang laro nina Jason Nocom at VJ Serios.
Dahil dito, nagawang dominahin ng bataan ni Mikee Romero ang game.
Kumana ng tatlong tres si Wilson, na siyang nagtala ng 12 points sa unang bahagi pa lang ng salpukan.
Sa kabilang banda, pinangunahan ni Paul Lee ang Energy Warriors na nakakonekta para mailapit ang Cobra sa 70-76.
Nakapag-ambag si Lee ng 19 points, 6 rebounds, 5 assists at 3 steals. (Sarie Nerine Francisco)
Oracle 97 - Fernandez 14, Wilson 14, Asoro 12, Nocom 11, Serios 10, Maierhofer 9, Labagala 8, Cervantes 8, Timberlake 6, Tanuan 5, Dedicatoria 0, Sanga 0, Knuttel 0, Suguitan 0.
Cobra 80 - Daroya 20, Lee P. 19, Espiritu 9, Martinez 8, Colina 5, Thiele 5, Lingganay 4, Reyes 4, Acuna 3, Cabahug 3, Foronda 0, Fampulme 0.
Quarterscores: 28-15; 53-36; 74-61; 97-80.
- Latest
- Trending