^

PSN Palaro

Noel may K!

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Suddenly things are looking up para sa Barangay Ginebra na nakapagtala na ng apat na sunud-sunod na panalo sa Motolite-PBA Fiesta Conference.

Buhat sa 1-5 na karta ay nag-improve ang Gin Kings sa 5-5 papasok sa huling apat na games ng elimination round. Tiyak nang hindi sila mangunguelat at magkakaroon ng handicap sa wildcard phase. Sa kasalukuyan ay sigurado na sila sa knockout match sa susunod na yugto.

Pero hindi iyon ang gusto ng tropa ni coach Joseph Uichico. Sa kasalukuyan, ang realistic nilang goal ay ang magkaroon ng twice-to-beat advantage sa wild card phase. Ito’y mangyayari kapag natapos ang elims at nasa ikatlo o ikaapat na puwesto sila.

Pero, sa totoo lang, puwede pa nga silang makaakyat sa ikalawang puwesto at dumiretso sa semifinal round. Iyon ay kung magtutuluy-tuloy ang kanilang pananalasa hanggang sa dulo ng elims.

At posibleng mangyari iyon ah!

Kasi nga’y nag-iinit na nang husto ang Gin Kings.

Sa huling game ni Rod Nealy bilang import ng Barangay Ginebra ay tinalo nila ang Barako Bull, 111-103 sa Panabo City noong Marso 28. Sa sumunod na game kontra Rain or Shine ay walang import ang Gin Kings subalit dinaig pa rin nila ang Rain or Shine, 94-89.

Sa pagdating ni David Noel ay nagtala agad ito ng triple double (22 puntos, 17 rebounds at sampung assist upang tulungan ang Gin Kings na magwagi laban sa Burger King, 100-94. At noong Biyernes ay hiniya ng Barangay Ginebra ang reigning Philippine Cup champion Talk N Text, 97-90. Natural na nae-excite na ang mga fans ng Barangay Ginebra at nabuhay ang kanilang pangarap na maidepensa ng Gin Kings ang koronang napanalunan nila noong nakaraang season.

At tila, ganoon din ang rutang tatahakin ng Barangay Ginebra.

Kasi nga, noong nakaraang Fiesta Conference ay dumating bilang ”savior” nila ang seven-footer na si Chris Alexander at malaki ang naitulong nito upang magtagumpay ang Gin Kings.

Hindi nakabalik si Alexander ngayon dahil sa ibinaba ng PBA ang height limit para sa mga imports ng Fiesta Conference sa 6’6 kaya sa umpisa ng torneo ay kay Nealy sumandig ang Barangay Ginebra. Datihan na kasi ito at kabisado na siya ng kanyang mga kakampi.

Pero hindi naman talaga dominante itong si Nealy at hindi naman napakinabangan ng Barangay Ginebra ang pangyayaring hindi na nila kinailangan ng mahabang adjustment period. Matapos na magwagi sila sa unang game kontra Coca-Cola, 110-103 ay sumadsad sila at natalo ng limang sunod. Kaya tsugi si Nealy.

At suwerteng si Noel ang nakuha ng Gin Kings matapos na sumobra sa height limit ang pinarating nilang si Ryan Humphrey.

Mukhang kapag ukol ay talagang bubukol, e!

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BURGER KING

CHRIS ALEXANDER

DAVID NOEL

FIESTA CONFERENCE

GIN

GIN KINGS

NEALY

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with