MANILA, Philippines - Lubusan na ang pagha-handang ginawa ng Far Eastern University para sa nakatakdang pagtatagpo kontra University of Sto. Tomas bukas, para sa pagpapatuloy ng sixth Shakey’s V-League sa The Arena, San Juan City.
At isa sa kanilang pagha-handa ay ang natapos na laban kung saan pinataob ng Lady Tams ang St. Benilde kahapon, 25-10,18-25, 25-14, 25-22.
Kahit kagagaling lang sa sakit, umarangkada pa rin ang FEU mainstay na si Rachel Daquiz na pumalo ng 23 points, kabilang ang 2 blocks at isang down the line hit na tumulak para makamit ang ikatlong sunod na panalo.
Sinuportahan nina Cherry Vivas at Maica Morada ang bawat play ni Daquis na nagrehistro ng 13 at 10 points, ayon sa pagkakasunod. Hindi rin nagpahuli si Shaira Gonzales na nagpakawala ng 3 hits, sa kabila ng pagkakaroon nito ng ankle injury.
Samantala, hindi tumalab ang team-up ng Lady Blazers sa pamumuno ni Cindy Velasquez at setter Ren Agero para pigilan ang koponan ni Daquis.
Ang pinagsamang pwersa ng St. Benilde guest players Maureen Penetrante at Ivy Remulla na 21 hits ay kulang para isulong ang kampanya ng tropa.
Asam ng FEU na panatilihin ang perpektong marka na 3-0 sa pakikipagtipan nito sa UST na inaasahang magiging maaksyon para sa ligang hatid ng Shakey’s Pizza, at inorganisa ng Sports Vision, Accel, Mikasa at OraCare.
Ang UST na may tatlong sunod ng panalo, ay kasaluku-yang naglalaro pa kontra sa Ateneo OraCare habang sinusulat ang balitang ito.
Nakalayo ang Lady Tamaraws sa tulong ni Vivas mula sa 8-6 tungo sa 18-8 abante at dominahin na ang opening frame. (Sarie Nerine Francisco)