Barako Bull giba sa Tigers
MANILA, Philippines - Pinagod ng Coca-Cola ang Barako Bull upang makabangon mula sa 16 point deficit tungo sa 120-106 panalo sa labanan ng naghihingalong koponan sa Motolite PBA Fiesta Conference sa Astrodome kagabi.
Nakabalikwas mula sa ma-tamlay na panimula, nakalapit ang Tigers sa 54-56 sa half time at sumingasing na tungo sa 87-83 abante sa pagtatapos ng ikatlong quarter.
Ang panalo ng Tigers ay nagpaganda sa kanilang baraha sa 3-6 panalo-talo.
Bagamat may ipinaradang bagong import na si Daryan Selvy, hindi ito nakatulong sa Barako Bull at malasap ang ikalimang sunod na kabiguan para sa ikasiyam na pagkatalo sa kabuuang 11 laro.
Si Selvy, dating mainstay ng Oklahoma na pumalit kay Jeff Varem, ay malakas ang naging panimula sa kinanang 17 puntos ay kinapos ng enerhiya sa huling 3:11 oras ng labanan.
“I’m just subbing for Kenneth but we have agreed to do something to change the attitude of the team during the game. We want to use to the hilt the skills and talents that we have. It paid off at least in this game,” anang assistant coach na si Bo Perasol na pansamantalang gumiya sa koponan dahil may sore eyes si head coach Kenneth Duremdes.
Samantala, kasalukuyang naglalaban ang Alaska at Burger King habang sinusulat ang balitang ito.
- Latest
- Trending