^

PSN Palaro

Concepcion wagi sa kalabang Colombian

-

LAS VEGAS – Isang six-round unanimous decision naman ang inilista ni Bernabe Concepcion, ang mahusay na boksingero mula sa Virac, Catanduanes, kontra kay Yogli Herrera ng Colombia na isa sa undercard ng Manny Pacquiao-Ricky Hatton bout.

Walang talong round sa lahat ng tatlong scorecards si Bernabe na nagsabing maingat na naglaro dahil ayaw ng kalaban nito na sumugod.

“He was cautious, and so I got cautious too,” anang 21-year-old boxer na nais sundan ang yapak ni Pacquiao.

“But he was strong. I felt his punches. I guess he felt my punches, too,” dagdag niya habang tumigil ito sa lobby ng MGM Grand Garden Arena matapos ang one-sided niyang tagumpay.

Noong Enero 11, pinigil ni Bernabe si Sam Otieno sa Araneta Coliseum dahil sa duguang sugat sa kanang mata. Napaganda nito ang kanyang baraha sa 29-1-1(na may 16 knockouts) habang nalaglag naman si Herrera sa 22-7-0.

Sinabi ni Concepcion na laban kay Steven Luevano ang kasalukuyang tinatrabaho na ng kanyang handlers para mabigyan siya ng pagkakataong makarekober mula sa shoulder injury na kanyang natamo noong kaagahan ng taon.

“It could be him as my next opponent, But we’re agreed to let him recover first,” ani Concepcion, na may konting galos sa kaliwang mata, na resulta ng patuloy na pagsangga ng may lasong bahagi ng gloves ni Herrera.

“I feel okay. Everything’s okay. I’m happy with the win,” wika ni Concepcion. (Abac Cordero)

vuukle comment

ABAC CORDERO

ARANETA COLISEUM

BERNABE

BERNABE CONCEPCION

CONCEPCION

GRAND GARDEN ARENA

HERRERA

MANNY PACQUIAO-RICKY HATTON

NOONG ENERO

SAM OTIENO

STEVEN LUEVANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with