MANILA, Philippines - Halos hindi nasorpresa ang mga Pinoy fight fans nang talunin ni Manny Pacquiao si Ricky Hatton. Ang ikinagulat nila ay kung papaano dinimolisa ng Pinoy boxing sensation ang British champion.
Nakatayo at nagkasiyahan ang lahat ng pigilan ni Pacquiao si Hatton sa ikalawang round ng kanilang title bout sa Las Vegas, Nevada kahapon, at maagaw ang IBO lightwelterweight crown at patatagin ang kanyang estado bilang pinakamahusay na pound-for-pound boxer sa buong mundo.
Habang ipinagbubunyi ni Bob Arum ng Top Rank ang pagiging pinakamahusay na boksingerong nabubuhay sa mundo si Pacquiao, hindi lamang ilang Filipino ang namangha sa paraan ng kanyang panalo kay Hatton na kanyang ikasampung sunod para sa pinakamalaking premyong tatanggapin.
Napakabilis ng pangyayari. Ayon sa marami.
Sa isang ‘radio interview’ kay Press secretary Serge Remonde, inamin nito na hindi niya napanood ang laban ni Pacquiao dahil may conference sila ngunit ipinaabot ang pagbati kay Pacquiao.
“I’d just taken my seat and it was over,” wika naman ni Alfernando Espesor, isang empleyado ng Central Bank na nanood ng laban sa Pay-Per-View TV sa Valenzuela.
“I nearly missed it as I went to the john. Manny was already delivering the knockout punches when I returned to my seat,” pahayag naman ni Edmond Dungca, councilor ng Barangay Katipunan, Quezon City.
Ngunit lahat ay nagsaya nang tinitigan ni referee Kenny Bayless ang hindi kumikilos na si Hatton at iwinagayway ang kamay kahit na hindi na binilangan si Hatton, na senyales ng panalo ni Pacquiao matapos ang dalawang minuto at 59 segundo ng ikalawang round.
Lumalaki na ang alamat ni Pacquiao.
“I agree with Bob Arum. Manny is now the greatest fighter that ever lived,” pahayag ni Juan Panopio, isang engineer na nanood ng laban sa SM Fairview.
“Will anyone dispute that Manny is the greatest fighter in the world today? I don’t think so. Manny just proved to the world that he’s really the best,” pahayag naman ni Joseph Lopez, sports and music shopkeeper sa Quiapo.
Maraming nagtaasan ng kilay ng ipakilala si Pacquiao bilang fighter mula sa Saranggani province sa Mindanao. Sa isang panayam, sinabi ni Pacquiao na balak niyang tumakbong congressman sa naturang probinsiya.
“Hopefully, he gives it a second thought. We all salute him as a boxer. But as a lawmaker? I doubt if he knows anything about it,” anang storeowner na si Sammy Talon.
“He’s our national treasure as a super boxing champ. My unsolicited advice is for him to stick in boxing and continue to make us proud,” sabi naman ni Joaquin Policarpio, isang negosyante.
“Forget politics. Leave it to the politicians. Boxing is your cup of tea. Just stay there,” payo naman ni Pio dela Cruz, na naninirahan malapit sa Gen. Santos City.
At sa panalong ito laban kay Hatton, mas inaabangan ng marami ang susunod na laban ni Pacquiao.
At mas gusto nilang makaharap ng Pambansang Kamao ang undisputed champion na si Floyd Mayweather.