^

PSN Palaro

3rd win pakay ng Manila at Batangas

-

MANILA, Philippines - Palawigin sa tatlong sunod na panalo ang pakay ng Manila at Batangas sa pagpapatuloy ng Baseball Philippines Series V sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Makakalaban ng Bulls ang Series III champion ang Dumaguete sa ikalawang laro ganap na ika-10:30 ng umaga at susundan ito ng pagkikita ng Sharks at Alabang dakong alas- 2:00 ng hapon.

Ikalawang sunod na panalo naman ang hanap ng nagdedepensang Cebu Dolphins sa wala pang panalong Taguig Patriots sa unang laro ganap na ika-7 ng umaga.

Mainit ang pagsisimula ng Bulls at Sharks sa torneong inorganisa ng Community Sports Inc. matapos manalo sa unang dalawang asignatura sa double round classification.

Nakita ang bangis ng mga pitchers ng Batangas na sina Vladimir Eguia at bagitong Romeo Jasmin nang walisin nila ang Tigers sa 11-1 at 5-3 iskor.

Inaasahang ang husay ng dalawang pitchers na ito ang muling sasandalan ng Bulls laban sa back-to-back runner-ups na Unibikers na hiniya ng Cebu, 17-7 noong nagdaang Linggo.

 Inaasahang paborito rin ang Sharks sa Tigers matapos ang 9-6 at 9-2 dominasyon sa Patriots sa unang dalawang asignatura.

And Dolphins na puntirya ang ikalawang sunod na titulo at pangatlo sa liga, ay  aasa sa lakas ng kanilang mamamalo sa pangunguna na ni Jonash Ponce na bumanat ng three-run homer upang katampukan ang unang panalo.

vuukle comment

BASEBALL PHILIPPINES SERIES V

BATANGAS

CEBU DOLPHINS

COMMUNITY SPORTS INC

INAASAHANG

JONASH PONCE

RIZAL MEMORIAL BASEBALL STADIUM

ROMEO JASMIN

TAGUIG PATRIOTS

VLADIMIR EGUIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with