Panatilihin ang liderato sa liga ang hangad ng Oracle Residences matapos tumipa ito ng malinis na kartada para sa 2009 PBL PG Flex Unity Cup na gaganapin sa San Juan gym.
Matapos masiguro ang unang pwesto sa semis, kampante si Mikee Romero ng Titans na mapapangalagaan ng kanyang koponan ang liderato sa Final Four phase sa kanilang pakikipagtipan kontra Magnolia.
Samantala, matutunghayan naman ang bakbakang Licealiz at Cobra Energy dakong alas kwatro.
Naiabante ng Hair Doctors ang record nito sa 3-3 nang walisin ang Pharex sa isang matinding sagupaan na umabot sa overtime, 91-89 noong Martes.
Katulad ng nauna, inaasahang dikit na laban ang ibibigay ng Cobra sa Licealiz.
Parehong 2-4 ang barahang bitbit ng Bidang Generix at Wizards.
Layon ng Oracle na sundan ang yapak ng sister nito na Harbour Centre, makaraang tumipa ng limang sunod na panalo sa season ending tournament na ito.
Ang panalo kontra Wizards ng San Miguel ay di lamang magpapahintulot sa Titans na maangkin ang numero unong pwesto, kundi maipakita rin ang mastery ng laro sa kalabang iginupo ng Batang Pier sa nakalipas na torneo.
Umaasa si Tamaraw coach Glenn Capacio at team Manager, Erick Areola, na bukod kay Edwin Asoro na pumoste ng 17 points, 5 rebounds at 2 blocks, makikibahagi rin ang iba pang alagad para manalo.
Nakasandig ang Oracle sa beteranong sina Rico Maierhofer, Chris Timberlake, Jonathan Fernandez, John Wilson at Jason Nocum.
Habang kulang sa pwersa ang bataan ni coach Koy Banal dahil sa pagkawala ni Dylan Ababou na kasalukuyang kalahok sa RP developmental team. (Sarie Nerine Francisco)