3rd win asam ng AdU at SSC

MANILA, Philippines - Panatilihin ang magandang pwesto sa liga,  asam ng defending champion Adamson at San Sebastian  na ituloy ang kampanya sa pag-asinta ng ikatlong panalo kontra Benilde at Ateneo Oracare sa magkahiwalay na laban para sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League sa The Arena, San Juan City

 Mula sa 9 na araw na pamamahinga, inaasahang mas lalakas ang opensa ng Ateneo Lady Eagles para patikimin ng bangis ang Lady Stags dakong alas-6 ng gabi.

Sa inisyal na laro, ibabandera ng Lady Falcons ang husay kontra St. Benilde Blazers sa ganap na alas dos na susundan ng bakbakan ng UP at Lyceum sa alas-4 ng hapon.

 Magkakasalo ang Adamson at SSC (2-1) at FEU (2-0), sa ikatlong puwesto na isusulong ang isa pang panalo para makampante sa quarterfinal seat ng short, single round robin phase ng ligang suportado ng Accel, Mikasa, at Oracare.

 Ang apat na koponang mangunguna ang may pagkakataong umabante sa susunod na round kung saan makakasama nila ang top provincial squads ng St. La Salle Bacolod at University of San Jose Recoletos sa kumperensyang handog ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng SportsVvision.

 Magpapasikatan sila Bualee Jaroesen ng Lady Stags at Sontaya Keawbundit ng Eagles sa tampok na laro. (Sarie Nerine Francisco)

Show comments