RP-Smart Gilas team ka-grupo ang Iran at Lebanon
MANILA, Philippines - Nahaharap sa mabigat na pagsubok ang RP-Smart Gilas Team mula sa Iran at Lebanon sa elimination round ng 20th FIBA Asia Champions Cup sa May 12-20 sa Jakarta, Indonesia.
Napasama sa grupo ng Mahram ng Iran, Al Riyadi Beirut ng Lebanon, Sangmoo ng Korea at Al Qadsia ng Kuwait sa Group A ang Nationals pagkatapos ng draw kamakailan. Nasa Group B naman ang Al Arabi ng Qatar, Wal Wasl ng United Arab Emirates, Zain ng Jordan, Young Cagers ng India at host nation Satria Muda.
Ang Mahram, ang top team sa West Asian Basketball Association (WADA) qualifiers, ay maghahangad ng ikatlong Asian inter-club tourney title.
Kailangan ng Smart Gilas na hinahasa ni Serbian coach Rajko Toroman na makatapos na una o ikalawa para maka-sama sa crossover semis. (Nelson Beltran)
- Latest
- Trending