Noel, hari ng PBA All-Star slam dunk
MANILA, Philippines - Tinanghal na hari ng local slam dunk si Rain or Shine rookie Gabe Norwood habang nagpasiklab naman si Ginebra import David Noel para sa import division ng slam dunk contest habang nagwagi naman si James Yap ng Purefoods sa three-point shootout at Paul Artadi ng Ginebra sa obstacle course ng skill competitions sa pagtatapos ng PBA All-Star Festivities sa Araneta Coliseum.
Nang-agaw ng eksena si Noel, sa kanyang ipinakitang slam dunk.
Nagwagi sa 2006 US NCAA slam dunk contest, tinalo ng nakakamanghang slam dunk ni Noel sina Gabe Freeman at Anthony Johnson para sa korona ng import category bago agawan ng eksena si Norwood, ang local division, sa kanilang dunk-off para sa ultimate championship.
Tinalo ni Norwood sina three-time champion KG Canaleta at Jared Dillinger.
Hindi naidepensa ni Kelly Williams ang kanyang korona dahil sa may sakit ito.
Umiskor ng perfect 50s si Noel sa kanilang dunk-off ni Norwood at mapagwagian ang titulo ng anim na puntos na bentahe.
- Latest
- Trending