HOLLYOOD — Si Manny Pacquiao ang isa sa mga paborito sa mundo na laging nag-iisip na underdog.
Batay sa mga pustahan sa Sin City, si Pacquiao ay -270 paborito kontra kay Ricky Hatton pero iba ang nasa isip ng pinakamagaling na pound-for-pound boxer na Pinoy.
“Let’s not be over-confident. Let’s not think of this as an easy fight. Let’s think that we’re the underdog,” aniya ng ipaalala na ang Sportsbook betting lines ay nagbigay kay Hatton ng +210 paborito noong Sabado ng hatinggabi (Linggo ng hapon sa Manila).
At ang ibig sabihin nito, ang taya na $270 kay Pacquiao ay kakabig lamang ng $100. Ang $100 na taya kay Hatton naman, madesisyon man o knockout, ay mananalo ng $270.
“People put too much trust on me,” wika ni Pacquiao habang tinatapos ang tatlong oras na workout sa saradong Wild Card gym, isang workout na binubuo ng limang rounds na isparing at ilang oras sa bags, ropes at mat.
Eksaktong isang linggo bago ang laban, walang malay si Pacquiao kung bakit liyamado ito sa pustahan gayundin para sa kanya ay pareho lamang silang malakas, mabilis at matikas ni Hatton.
“Pareho lang naman kami may tari (We both have the spurs),” ani Pacquiao habang nagsasagawa ng abdominal exercises, na ibig sabihin 2,000 crunches sa umaga at hapon.
Sinabi ni Pacquiao na handang tanggapin ng kanyang katawan ang suntok ni Hatton.
“Yan ang favorite shot niya eh (That’s his favorite shot),” wika ni Pacquiao habang ipinakikita ang gitna ng katawan.
Tatlong round na isparing kay Uzbek alisher Rahimov ang ginawa ni Pacquiao at dalawang rounds kay David Rodela na nasa kampo na ni Pacquiao sapul pa ng panahon ni Erik Morales.
Mainit at malamig si Pacquiao kay Rahimov, na paminsan-minan at nilalaro at nagpapakitang-gilas kay Rodela na hindi siya masundan sa sobrang bilis ng kamay at paa nito.
“I always ended up looking where he’s at because he’s so fast. I got dizzy in there,” wika ni Rodela.
Hindi pinayagan ang mga fans sa loob ng gym at pinapayagan lamang makapasok ang maliit na grupo ni assistant Michael Moorer nang matapos na si Pacquiao sa ensayo. Pinayagan ding magpakuha ng larawan pero hindi na ang pagpapapirma.