Patriots nilapa ng Sharks
MANILA, Philippines – Sumandal ang Manila Sharks sa late-inning na pananalasa nang igupo nila ang Forward Taguig Patriots, 9-6 sa panimula ng Baseball Series 5 sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Kinumpleto ni RP mainstay Francis Candella ang three-run eight inning nang kumana ito ng two-out, puno ang base at two-run double kay losing pitcher Fernando Badrina na nagdala kay Jarus Inobio at Christian Galedo sa homebase.
Winalis ni Charlie Labrador, na nag-pitch para sa starter na si Joseph Albindo, ang lahat ng tatlong batters sa ikalimang frame na kanyang hinarap sa huling inning nang simulan ng Sharks ang kanilang kampanya na makabangon sa nakaka-dismayang 3-7 record noong Series 4.
Ang kabiguan ng Taguig ay natabunan ng malakas na pagsisikap ni RP team mainstay Ernesto Binarao.
Nagbigay lamang ng dalawang runs sa apat na innings ang 30 anyos na si Binarao bago nagpahinga matapos makapag-pitch ng 74.
May bagong batas sa torneong ito na hatid ng Gatorade, Industrial Enterprises Inc., Philippine Transmarine Carriers, Inc., Harbour Centre at Heritage Park na nagbibigay ng 75 pitches lamang sa bawat pitcher para makapag-pitch uli sa susunod na laro.
Nauna rito, dumalo sina Philippine Sports Commissioner chairman Harry Angping at Philippine Olympic Committee president Jose “Peping” Cojuangco sa pagbato ng ceremonial pitch sa isang simpleng seremonyas.
- Latest
- Trending