HOLLYWOOD -- May butas sa depensa ni Ricky Hatton na sasamantalahin ni Manny Pacquiao.
“Ricky is a fighter and a slugger but he’s too open,” puna ni Buboy Fernandez, na siyang namahala sa training ni Pacquiao sa Wild Card Gym noong Biyernes.
Trinabaho ni Fernandez si Pacquiao sa mitts ng siyam na round at umalis ng ring na parang nakipag-ispar ng siyam na rounds.
Nararamdaman pa niya ang sakit sa kaliwang kamay nang talakayin ni Fernandez, matalik na kaibigan ng boxer, ang tungkol sa tsansa ni Pacquiao kontra sa British champion.
“We will have all the chances to get through that hole although it could be a trap. But there’s a big chance we can get him with a lot of punches,” dagdag ni Fernandez.
Si Pacquiao at Hatton ay magkatipong boxer, na laging sumusugod sa kalaban at tinatangkang pabagsakin ang kalaban. At dahil dito, nakikita ng mga eksperto na maikli lamang ang magaganap na laban.
“They are both strong. But we have the advantage in speed.”
Sinabi rin ni Fernandez na matagumpay si Hatton sa mga nagdaang laban nito nang magwagi ito ng unang 46 bouts bago natalo kay Flloyd Mayweather Jr. noong Disyembre 2008, dahil hinayaan nilang pumasok ang Briton.
“That’s their biggest mistake -- letting Ricky come to them instead of them coming to him,” aniya.
Ngunit, sinabihan din si Pacquiao na maging mai-ngat sa unang rounds.
Mas mahusay si Pacquiao kapag naghihintay ng pagkakataon.
“Maybe we can wait a little and not engage in an early brawl because that’s what Ricky wants. He wants to run you over early in the fight. If we will get him we will get him, early or later on,” ani Fernandez.
At naniniwala itong ga-gamitin ni Pacquiao ang lahat ng bentahe niya.
Sa interview, sa isang bahagi ng gilid ng gym, bahagyang tumitigil si Fernandez at dinarama ang kaliwang kamay at pinipisil ang palad ng kanang hinlalaki.
Nang matapos ang mitts session, hinahabol ni Fernandez ang paghinga at dito tinanggal ang mitts upang damhin ang tila namamagang kamay.
“I can’t take his strength especially when he lands that heavy left. It hurts even if at times I couldn’t catch his punches,” aniya.