^

PSN Palaro

Baseball Philippines V papalo ngayon

-

MANILA, Philippines - Apat mula sa anim na koponang kalahok ang magpapasiklaban sa pagsisimula ng Baseball Philippines Series V ngayon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Magsisilbing buwena-manong laro sa ligang inorganisa ng Community Sports Inc. ang tagisan ng Taguig Patriots at Manila Shark ganap na ika-10:30 ng umaga na agad na susundan ng bakbakan ng Batangas Bulls at Alabang Tigers dakong alas-2 ng hapon.

Bago ito ay magkakaroon ng parade ng mga kalahok sa simpleng opening ceremony ganap na ika-9 ng umaga.

Ang nagdedepensang Cebu Dolphins at Dumaguete Uni-bikers na dalawang sunod na pumangalawa sa liga, ang kukumpleto sa anim na koponang kalahok ay pahinga sa unang araw ng aksyon.

Ngunit agad na magkakasukatan ng lakas ang dalawang koponan dahil sila ang tampok na laro sa Linggo sa ganap na ika-10:30 ng umaga at maisasaere sa DSZR Sports Radio.

Ang anim na kalahok ay sasalang sa double round classification at matapos ito ay dedeterminahin kung sino ang mapapabilang sa odd at even group.

Matapos hatiin sa dalawang grupo, ang koponang may pinakamagandang karta matapos ang 10 laro sa classification round ay didiresto na sa semifinals at magtataglay ng twice to beat advantage.

Ang ikalawa at ikatlo sa bawat grupo ang magtutuos sa quarterfinals na kung saan ang number two teams ay may twice to beat advantage.

 Ang mananalong koponan ay aakyat at hahamunin ang number one teams at ang mananalo ang siyang magtutuos sa Series V Finals na inilagay sa best of three series.

        

ALABANG TIGERS

BASEBALL PHILIPPINES SERIES V

BATANGAS BULLS

CEBU DOLPHINS

COMMUNITY SPORTS INC

DUMAGUETE UNI

MANILA SHARK

RIZAL MEMORIAL BASEBALL STADIUM

SERIES V FINALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with