Moorer, bagong assistant ni Roach
HOLLYWOOD – May bagong sidekick si trainer Freddie Roach.
At ito ay ang dating heavyweight champion na si Michael Moorer.
“That’s his job and he’s doing it,” wika ni Roach sa kanyang bagong assistant, ang three-time heavyweight champion na si Moorer.
Sa kanyang bagong trabaho, kinilalang malupit at arogante si Moorer. Pero hindi naman. Dahil ito ang dapat mangyari, hindi ito pababayaan ng 41 anyos na kaliweteng kampeon.
At suwerte namang wala pa ito napapatalsik sa gym ng pisikal.
“If Freddie asks me to do it, I’m gonna do it,” kwento ni Moorer sa mga Pinoy scribes.
Kasunod sa kanyang trabaho, na ang una ay paghubog kay Pacquiao sa mas magaling na boksingero, ay ang pamahalaan ang gym na ‘strictly off-limits’ sa mga taong hindi dapat naroroon kapag nagsasanay si Pacquiao.
“If you don’t belong here, then it’s time for you to go,” malakas niyang boses na umaalingawngaw sa mga nagdaang araw.
Tinanong din siya tungkol sa kanyang trabaho.
“I work for Freddie. I’m Freddie’s assistant. I aide in developing Manny and I do the things that are supposed to be done,” ani Moorer, na nagretiro matapos mapagwagian ang kanyang huling anim na laban, kabilang na ang first-round stoppage kay Shelly Gross sa Dubai noong Pebrero 2008.
At dito nagkwento na ng tungkol sa na-lalapit na laban kontra kay Ricky Hatton.
“It’s gonna be a short night. Manny is the winner. He’s a different caliber of a fighter. He’s the pound-for-pound king.
Si Moorer, na natalo ng dalawang titulo kina George Foreman (1994) at Evander Holyfield (1997) at tinanong din kung ano ang nakikita niya kay Pacquiao.
“A machine. He just works and works and works. He never gets tired,” aniya.
At si Hatton?
“I’ve seen him fight before and I’m not impressed with him. With all due respect, what he has accomplished is good for him. But Manny’s an all-around better fighter.”
Sinabi ni Moorer na hindi niya napanood ang laban ni Pacquiao kay Oscar Dela Hoya ng live noong Disyembre dahil ito ay may ‘bodyguard job’ ng araw na iyon.
Pero sinabi nitong alam niyang tatalunin ni Pacquiao si Dela Hoya.
Kumpiyansa lang ngayon si Moorer. Hindi siya masungit o arogante. (Abac Cordero)
- Latest
- Trending