Banar agad nanalasa
Olongapo City, Philippines –Maagang nagrehistro ng upset ang hometown bet nang igupo ni Florencio Banar ang 4
thseed na si Jeff de Luna, 9-6 sa panimula ng Subic-Olongapo Open Pool championship dito.
Hindi rin nagpahuli ang isa pang taga-rito na si Daniel dela Rosa na naglista naman ng 2-1 baraha patungo sa ikalawang araw ng sarguhan.
Tinalo din ni Banar ang kababayang si Luis Saberdo sa hill-hill match pagkatapos patalsikin si de Luna.
Nagtala naman ng 9-7 panalo si Dela Rosa kay Elmer Kalaquian at 9-4 tagumpay kay Ericson Navarette upang makabangoon mula sa 8-9 kabiguan kay Demosthenes Pulpul.
Binanderahan naman ng top seed na si Ko Pin Yi ng Chinese-Taipei makaraang dispatsahin ang kanyang dalawang karibal.
Nakasama ni Ko sa winning bracket ang limang Pinoy, isang Hapones at isa pang Taiwanese.
Ang limang Pinoy na walang talo ay sina Mario Tolentino, Victor Arpilleda, Leonardo Didal, Elvis Calasang at Arnel Bautsita. Ang nag-iisang Hapones naman ay si Kenji Taguchi at ang isa pang Taiwanese ay si 3rd seed Fu Che Wei.
- Latest
- Trending