^

PSN Palaro

2nd win target ng Pharex

-

MANILA, Philippines – Ikalawang sunod na panalo ang Target ng Pharex Batang Generix sa paghaharap nila ng Licealiz Hair Doctors sa pagpapatuloy ng 2009 PBL PG Flex Unity Cup sa Ynares Sports Center.

Ang laban ay nakatakda sa ganap na alas dos ng hapon.

Samantala, magtitipan naman ang Magnolia at Cobra Energy Drinkers pagsapit ng alas-kwatro ng hapon.

Inaasahang titibagin ng puwersa ng kompanya ni Jappy Pascual na babanderahan ng mahusay nilang Fil-Am na si Chris Ross, beteranong si Sean Co at ang bumibidang si JR Gerilla ang lahat ng hadlang tungo sa matagumpay nilang kampanya sa unang round.

Matatandaang tumipa ng mataas na puntos si Ross sa laro nila laban sa Cobra na siyang kumubra ng kanilang pagkapanalo.

Ang apat na koponang maghaharap-harap ngayong hapon ay may magkakatulad na 1-2 baraha sa liga.

Bunga nito, higit na pressure ito para sa dalawang coach para sa paglalatag ng matitinding winning strategies tungo sa pagpuntirya sa semis slot.

Sa ngayon, hindi pa rin natitinag ang Oracle Residences sa unang pwesto sa kompetisyon nang payukurin ang kalabang Wizards sa iskor na 74-63 sa nakaraang salpukan.

 Ang malinis na record ng Oracle, sister team ng Harbor Center, ay nangangailangan na lamang ng isang panalo para mapanatag na sa semis ticket ng PBL

Samantala, ang tatlong grupong makakapasok sa 2 round elims ay makakaabante sa semis. Ngunit, ang dalawang huling koponan ay maghaharap para sa best of three quarterfinal series.

Sa main game, paniguradong huhugot ng lakas ang Energy Drinkers sa manlalarong si Paul Lee matapos makapagtala ng magandang performance sa nakalipas na laro.(Sarie Nerine Francisco)


CHRIS ROSS

FLEX UNITY CUP

HARBOR CENTER

JAPPY PASCUAL

LICEALIZ HAIR DOCTORS

ORACLE RESIDENCES

PAUL LEE

PHAREX BATANG GENERIX

SAMANTALA

SARIE NERINE FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with