Tyson kampi kay Pacquiao
MANILA, Philippines – Sa pagitan nina Manny Pacquiao at Ricky Hatton, mas naniniwala si dating undisputed world heavyweight champion Mike Tyson na ang Filipino boxing superstar ang mananalo.
Sa panayam ng Examiner.com kahapon, sinabi ng 43-anyos na si Tyson na nakikita niya ang kanyang istilo sa 30-anyos na si Pacquiao.
“Pacquiao will win,” ani Tyson. “I like Ricky Hatton but he is just not elusive enough to handle Manny’s pressure attack. With Manny, it’s something like I used to be. With Manny, the punches come in bunches.”
Ilang beses na ring dinalaw ni Tyson si Pacquiao sa ensayo nito sa Wildcard Boxing Gym ni trainer Freddie Roach sa Hollywood, California.
Sa kanyang pagreretiro matapos ang dalawang sunod na kabiguan noong 2004 at 2005, itinala ng 5-foot-10 slugger ang 50-6-0 win-loss-draw ring record kasama ang 44 KOs.
Ang dalawang huling tumalo kay Tyson, naghari sa heavyweight division ng World Boxing Council (WBC), World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF), ay sina Danny Williams (fourth-round KO) at Kevin McBride (sixth-round TKO).
Inaasahang pano-noorin ni Tyson ang laban nina Pacquiao at Hatton sa Mayo 2 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
Ngunit kung mananalo si Pacquiao at maitatakda ang kanilang upakan ni world five-division titlist Floyd ‘Pretty Boy’ Mayweather, Jr., sinabi ni Tyson na kakampihan niya ang kanyang kapwa Amerikano. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending