^

PSN Palaro

3 paaralan inimbitahan ng NCAA

-

MANILA, Phillippines - Lubos na ang paghahanda ng mga organizers para sa pagbubukas ng inaabangang 85th season ng NCAA na nakatakda ng umarangkada sa June 27 sa Araneta Coliseum.

Pamumunuan ang preparasyon ni League President, Fr. Mat De Jesus, OSB at Management Committee chair Jose Mari Lacson ng San Beda, ang host ng liga ngayong taon.

Nagpadala na ng imbitasyon ang pamunuan sa Arellano University, Angeles University Foundation at Emilio Aguinaldo College para maging guest team.

“The invitation to the three schools have been sent as early as last Thursday. They have until April 24 to reply to our invitation”, ani Fr. Mat de Jesus.

Gayunpanman, binigyang diin pa rin ng liga na kinakailang sumunod sa patakaran ng tatlong grupo, upang makalahok bilang guests schools ngayong taon.

“The most important of these requirements are the mandatory participation not just in basketball but in other sports like volleyball, centerpiece athletics and medal rich swimming as well. These are basically the conditions that they need to comply to for them to be allowed to join the NCAA this season,” wika ni Lacson.

Sakali mang tanggapin ng 3 unibersidad ang alok ng NCAA, maghaharap-harap sila para sa seven team roster na tinatampukan ng nangungunang three-peat champion San Beda at losing finalist Jose Rizal.

Ang iba pang miyembro ay ang San Sebastian, Letran College, Mapua Institute of Technology, University of Perpetual Help at College of St. Benilde. Subalit hindi naman makakasama ang PCU ngayong taon ngunit pwedeng maglaro sa susunod na taon. (Sarie Nerine Francisco)


ANGELES UNIVERSITY FOUNDATION

ARANETA COLISEUM

ARELLANO UNIVERSITY

COLLEGE OF ST. BENILDE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

JOSE MARI LACSON

JOSE RIZAL

LEAGUE PRESIDENT

LETRAN COLLEGE

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with