^

PSN Palaro

Mexicano pinahalik ni Donaire sa lona

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Hindi siya tatawaging “The Flash” kung walang dahilan.

Matagumpay na naidepensa ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. ang kanyang world flyweight crown sa ikatlong sunod na pagkakataon matapos umiskor ng fourth-round TKO laban kay Mexican challenger Raul ‘Cobra’ Martinez kahapon sa Araneta Coliseum.

Dalawang beses na pinabagsak ang 27-anyos na si Martinez sa first round round at isa naman sa second round, napanatili ng 26-anyos na si Donaire ang kanyang International Boxing Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO) flyweight belts.

“He sits on his punches, and I knew he was gonna be there,” ani Donaire, itinaas ang kanyang win-loss-draw ring record sa 21-1-0 kasama ang 14 KOs, kay Martinez (24-1-0, 14 KOs). “I got him with some good counterpunches with my right, and that set him up for my left.”

Isang matulis na left hook ni Donaire ang nagpahalik kay Martinez sa sahig sa unang minuto ng first round kasunod ang isang left-right combination na muling nagpaluhod sa Mexican.

Sa second round, kumonekta si Donaire ng isang mabigat na overhand right na nagpabagsak kay Marrtinez, isang substitute teacher mula sa San Antonio, Texas.

IBF light flyweight crown naagaw ni Viloria

Kagaya ng tubong General Santos City na si Donaire, naging matagumpay rin ang unang laban ni dating world light flyweight titlist Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria sa Pilipinas.

Isang 11th-round TKO victory ang kinuha ng 28-anyos na si Viloria, pambato ng Ilocos Sur, kay Ulises ‘Archie’ Solis upang agawin ang hawak na IBF light flyweight title ng Mexican.

Nagpakawala ang 28-anyos na si Viloria ng isang matinding right hook na nagpabagsak sa 27-anyos na si Solis, nagwakas ang sinakyang nine-fight winning streak kasama ang mga panalo kina Filipino challenger Rodel Mayol, Bert Batawang at Glenn ‘The Filipino Bomber’ Donaire, kuya ni Nonito, Jr.

“This is my story book ending,” ani Viloria, nagbabandera ngayon ng 25-2-0 (15 KOs) card, na dating World Boxing Council (WBC) light flyweight king. “I thanked my team that worked and believed in me.”

Sa opening bell pa lamang ay dama na ang determinasyon ni Viloria, naging kinatawan ng Uni-ted States sa 2000 Olympic Games, na agawin kay Solis (28-2-2, 20 KOs).

Agad na pinaulanan ni Viloria ng mga kombinasyon si Solis hanggang sa magkapagpatama ng isang right hook na tuluyan nang nagpatulog sa Mexican.

“I encountered lots of challenges with this fight. But we stayed focus for 12 rounds,” wika ni Viloria, pumasok bilang No. 9 contender bago hamunin si Solis. “Solis is a great fighter and he has great jab but in the end I just let my punches go.”

Para sa kanyang susunod na plano, sinabi ni Viloria, lumaki sa Hawaii, na ipapahinga muna niya ang kanyang pagod na katawan.

“I just want to enjoy first. I have no rest last and this is a very emotional win for me,” ani Viloria, kumayod ng tatlong sunod na panalo noong 2008 at dalawa nitong 2009 matapos mahubaran ng kanyang WBC light flyweight belt noong 2007.

ARANETA COLISEUM

BERT BATAWANG

DONAIRE

FILIPINO BOMBER

FILIPINO FLASH

FLYWEIGHT

GENERAL SANTOS CITY

VILORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with