^

PSN Palaro

Pangasinenses pumagitna na

-

CABANATUAN CITY, Philippines --Muling ipinagmalaki nina Arnel Quirimit at Mark Julius Bonzo ang pagiging hotbed ng Pangasinan sa Stage 4 ng Liquigaz-LPGMA Tour of Luzon sa isang matahimik na pagtawid sa finish line.

Ang ipinagmamalaki ng Pozorrubio na si Quirimit, kampeon na 15 stage 2003 Tour Pilipinas ang kumuha ng karangalan sa araw na iyon ng trangkuhan nito ang star-studded 7-man first group na nanguna sa 133 km stage na pawang mga patag na daan mula sa Marikina City sa loob ng dalawang oras at 50 segundo.

Nakuha naman ni Bonzo, isa sa 19 anyos na nasa orihinal na 90 field na ngayon ay 82 na lang patungo sa huling tatlong stage, ang abante sa Rookie of the Year race nang tumawid ito sa finish line kasama ang 4-man second group pagkalipas ng 40 segundo.

Umakyat ng dalawang baitang si Quirimit sa top 120 sa overall individual classification na hinahawakan ni Lloyd Lucien Reynante.

 Si Bonzo, anak ng yumaong 1983 Tour Rookie champion na si Romeo at pamangkin naman ng race director na si Modesto ang nangunguna na sa karera ng mga baguhan. Ngunit kadikit lamang niya ang sumisikat na star ng Geostate-Beacon team at mga kabataang suot ang Liquigaz jerseys na nasa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto-- Jackie Lloyd Berjamie, Jeffrey Monton, Tots Tonido at Glenmar Robosa.

 Si Reynante, ang team captain ng American Vinyl, ay nanatiling hawak ang anim na segundong bentahe kay Tarlaqueno at second-stage winner Merculio Ramos (My Photos). Nasa unahan din ito nina Road Bike-7-Eleven stalwarts--Joseph Millanes (40 seconds) at Kalookan City bet at Stage 3 topnotcher Mark Guevarra (3:39).

  Kasama sa top 10 sa individual general classification sina Geostate-The Beacon’s Oscar Rendole (4:07 behind), Road Bike 7-Ele-ven’s Dante Cagas (4:35), Batang Tagaytay’s Hilson Mangahis (4:39), Road Bike-7-Eleven’s Tomas Martinez (5:14) at Sherwin Diamsay (5:26) at Happy Nuts skipper Quirimit (6:16).      

AMERICAN VINYL

ARNEL QUIRIMIT

BATANG TAGAYTAY

DANTE CAGAS

GEOSTATE-THE BEACON

GLENMAR ROBOSA

HAPPY NUTS

QUIRIMIT

ROAD BIKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with