Pati bahay ipupusta ni Roach

MANILA, Philippines - Pati bahay ay handang ipusta ni Freddie Roach—sa pagsasabing patutulugin ni Manny Pacquiao si Ricky Hatton sa May 2 sa Las Vegas.

Nagtanghal ng media workout si Pacquiao sa Wild Card ng araw na iyon, isang non-sparring day at ginawa rin niya ang normal na routine.

Sa nakalipas na ilang araw ng isparing ni Pacquiao, nagbigay ng pahimagas si Roach sa halagang $1,000 sa sinumang magpapabagsak kay Pacquiao sa isparing.

Sapul nang mag-ispar ito isang buwan na ngayon, ilang beses nitong nagpapabagsak ang kanyang mga kaispar.

Sa unang araw pa lamang, pinahalik niya sa lona ang undefeated Armenian boxer at may sugat sa kaliwang mata. Dalawa pang kaispar ang lumasap ng ganitong kapalaran, na pinabagsak sa pamamagitan ng head at body shots.

Ang huling kaispar ni Pacquiao ay sina Urbano Antillon, Raymund Serrano, David Rodela at Mike Alvarado, ang undefeated junior welterweight na nagpatulog ng 18 sa kanyang 25 na nakalaban.

Ngunit walang sinuwerte kontra kay Pacquiao, at may isang linggo na lang ang nalalabi ay tila sa bulsa pa rin ni Roach mapupunta ang $1,000.

“This will be a quick fight,” dagdag ni Roach kung saan itataya ni Hatton ang kanyang IBO Junior welterweight crown.

“Next week we will enter the toughest phase in my training,” ani Pacquiao na naglalaro pa rin sa timbang na mababa sa 150 lbs.

Sa Martes mag-iispar muna si Pacquiao bago sumakay sa isang pribadong eroplano na magdadala sa kanya sa San Francisco kung saan nahilingan itong maghagis ng ceremonial pitch sa laban ng Giants kontra sa San Diego Padres sa AT&T Park.

Sinabi ni Bob Arum ng Top Rank na bahagi ito ng pag-iingay ng kanyang nalalapit na laban.

Sinabi rin nito na ikakabit sa palibot ng ballpark, scoreboards, at giant screens ang streamers ng laban

Mamimigay din ng Pacquiao bobble-head dolls sa mga fans.

Show comments