^

PSN Palaro

Back-to-back title asam ng Lady Stags

-

MANILA, Philippines - Asam ng San Sebastian College, na may intact na lineup, ang ikalawang sunod na titulo sa pagpalo ng Shakey’s V-League sa Abril 19 sa Flying-V Fil Oil Arena sa San Juan City.

Ang torneo, na tampok ang walong pangunahing varsity schools sa bansa at dalawang probinsiyal, ay nagmamarka sa ikaanim na season ng pangunahing women’s volleyball league sa bansa.

Tiyak na babantayan ang Lady Stags sa liga na hatid ng Shakey’s Pizza sa solidong lineup na pinapamunuan ni skipper Rysabelle Devanadera, Charisse Ancheta, Mary Jane Pepito, Analyn Joy Benito, guest players Jaroensri Bualee at Suzanne Roces, at two-time NCAA MVP Laurence Ann Latigay.

Winalis ng Recoletos-based squad ang dating three-time champion na University of Santo Tomas sa second conference noong nakaraang taon upang wakasan ang kanilang pagka-uhaw sa titulo sa ligang inorganisa ng Sports Vision.

Ngunit hindi basta-basta papayag ang pito pang koponan sa hangarin ng Lady Stags kabilang na ang Ateneo na galing pa sa dalawang linggong pagsasanay sa Thailand kung saan nakipagtunggali sila sa mga panguna-hing club team sa Bangkok, bilang bahagi ng kanilang pagpapalakas.

Suportado ng kanilang guest player na si Charo Soriano kasama sina Michelle Laborte, Averil Paje, Denise Acevedo, Gretchen Ho, Bea Pascual at Misha Quimpo, bibigyan ng Ateneo ng sakit ng ulo ang iba pang makakalabang koponan.

Gayundin ang Adamson, winner noong nakaraang season’s first conference, na inip na inip na sa pagbabalik-aksiyon at pagbangon mula sa fourth place na tinapos.

Tiyak na mangungulila naman ang UST sa pagkawala ng top hitter na si Venus Bernal ngunit inaasahang magpapasakit din sa iba sina Michelle Carolino at Mary Jean Balse bilang reinforcement.

Bibigyan pansin din ang University of the Philippines, ang No. 2 squad sa UAAP nagparamdam noong kanilang debut sa liga.

HIndi naman pahuhuli ang Far Eastern U, na babanderahan nina Tina Salak at Mayeth Carolino, ang Lyceum, na pangungunahan nina Joy Cases at Dahlia Cruz, at College of St. Benilde, na bibitbitin ng guest player na si Cattleya Villaluz.

Makakasama naman ang Univ. of St. La Salle-Bacolod at Univ. of San Jose-Recoletos sa top four teams pagkatapos ng single round elimination sa quarterfinals.

At bilang opener, susubukan ng UST ang lakas ng San Sebastian sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng Ateneo vs Adamson sa pang-alas-2 ng hapong opener.

vuukle comment

ADAMSON

ANALYN JOY BENITO

ATENEO

AVERIL PAJE

BEA PASCUAL

CATTLEYA VILLALUZ

CHARISSE ANCHETA

CHARO SORIANO

COLLEGE OF ST. BENILDE

LADY STAGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with