LONDON, ENGLAND--Umalis kahapon si 6-time World champion at Filipino Bowling Legend Paeng Nepomuceno patungong Manchester, England upang tumanggap ng World Bowling Writers Mort Luby Jr. Distinguished Service Award at lumahok sa World Tenpin Masters sa Abril 17-19.
Si Nepomuceno ang kauna-unahang bowling athlete sa kasaysayan na kikilalanin ng prestihiyosong organisasyon para sa kanyang lifetime contributions sa sports.
Tatlong beses ding ginawaran ng World Bowling Writers bilang Bowler of the Year at kauna-unahang lalaking inductee sa World Bowling Writers Hall of Fames.
Sa kabilang dako, makikipagtagisan ng lakas at husay si Nepomuceno kontra sa mga top bowling athletes sa buong mundo. Napagwagian na rin ng kaliweteng Pinoy bowlers ang naturang event noong 1999.
Makakaharap ni Nepomuceno si Finland’s Osku Palermaa ng Finland, ang No. 1 rank sa Europe. Kasunod nito si Guy Caminsky ng South Africa ang defending champiom at ang kanyang ikatlong kalaban naman ay si Dominic Barrett ng England, ang kasalukuyang No. 1 sa England sa kaniyang kampanyang umusad sa semifinals at finals ng $50,000 World Tenpin Masters.