Tour of Luzon papadyak ngayon
MANILA, Philippines - Aarangkada na ngayong umaga ang pinakahihintay na Tour of Luzon mula Quezon City hanggang Quezon province.
Pangungunahan ni two-time champion Warren Davadilla ng Regasco team at nina dating Tour winners Arnel Quirimit ng Happy Nuts, Rhyan Tanguilig ng Team Liquigaz/LPGMA at Santy Barnachea ng Mobile Wonders ang 90 siklistang mag-aagawan para sa P2 milyong cash prize.
Papagitna ang mga siklista sa nasabing seven-day race na magsisimula sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.
Nasa karera rin sina title contenders Lloyd Reynante ng American Vinyl, Merculio Ramos ng My Photos at ang pambato ng Team Batang Tagaytay na si Baler Ravina sa lababan rin para sa P500,000 team champion’s purse.
Ang Tour veteran na si Dante Cagas ang mamumuno sa 7-11/Road Bike Philippines, habang si Joel Calderon ang papadyak sa DPT Law at si Oscar Rendole ang magbabandera sa GoldEstate/The Beacon sa pagsasabuhay ng Tour na inorganisa ng Liquigaz at Liquefied Petroleum Gas Marketers Association.
Buhat sa Quezon Memorial Circle, papadyak ang mga riders patungo sa Lucena City makaraan ang maikling opening rites na magtatampok kina Sen. Francis “Chiz’” Escudero, Quezon City Rep. Nanette Castelo-Daza at councilor Winnie Castelo. (RC)
- Latest
- Trending