^

PSN Palaro

Kahinaan ni Hatton alam ni Pacquiao

-

MANILA, Philippines - Katulad ng mga naka­raang laban ni Ricky Hat­ton­, inaasahan ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao na ma­ giging ag­resibo rin ang Briton world light welterweight champion sa oras ng ka­nilang upakan.

At dito, ayon sa 30-an­yos na si Pacquiao, ila­lantad niya ang kahinaan ng International Boxing Organization (IBO) titlist na si Hatton.

“We see a lot of weakness in Hatton,” wika ni Pacquiao sa panayam ka­hapon ng Mirror.co.uk. “I expect him to be coming forward and fight toe-to-toe, and I like that.”

Magtatagpo ang mga landas nina Pacquiao, ang tanging Asian fighter na nagkampeon sa apat na magkakaibang weight divisions, at Hatton sa Ma­yo 2 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Ve­gas­, Nevada.

Ayon kay Pacquiao, ang malinis na panalo sa 30-anyos na tubong Man­chester, England na si Hatton ang kanyang ha­ngad.

“I’m not looking for a knockout,” ani Pacquiao, nagdadala ng 48-3-2 win-loss-draw ring record ka­sama ang 36 KOs, ha­bang may 45-1-0 (32 KOs) naman si Hatton. “I don’t want any distractions in my mind.”

Sinabi naman ni Hat­ton na ibang klaseng Ricky Hatton ang maka­kalaban ni Pacquiao na hindi nito inaasahan.

Matapos matalo kay Floyd Mayweather, Jr.. via tenth-round TKO noong Disyembre 8 ng 2007, umiskor si Hatton ng isang unanimous decision kay Juan Lazcano noong Mayo 24 ng 2008 at isang 11th-round TKO kay Paulie Malignaggi noong Nobyembre 22 ng 2008. (RCadayona)

FLOYD MAYWEATHER

GRAND GARDEN ARENA

HATTON

INTERNATIONAL BOXING ORGANIZATION

JUAN LAZCANO

LAS VE

PACQUIAO

PAULIE MALIGNAGGI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with