Bukod sa premyong pera, magbibigay din ng distinct award ang Tour of Luzon sa mga pinakamahuhusay na siklista ng bansa -- ang katawanin ang bansa.
Ang outright na pagka-kabilang sa National team ang naghihintay sa top 12 fi-nishers sa 7-araw na bikathon na inorganisa ng Liquigaz at ng Liquefied Petroleum Gas Marketers Association na papadyak bukas sa Quezon Memorial Circle.
Ang elite group, na awtomatikong magsusuot ng kulay ng bansa sa ilalim ng liderato ni PhilCycling president Bambol Tolentino, ang magmumula sa mahabang listahan ng 90 riders na maghahangad sa kabuuang P2M pa-premyo.
Ilan sa mga pinapaborang siklista ay ang mga dating kampeon na sina Warren Davadilla, Arnel Quirimit, Rhyan Tanguilig at Santy Barnachea para sa RP team kasama sina Lloyd Reynante, Merculio Ramos at Baler Ravina, at ilan pa.
“We want to help the national team form the best squad possible for international competitions,’’ ani LPGMA president Arnel Ty na tumanggap ng buong suporta kay Liquigaz president Patrick Libihoul para sa pagtatanghal ng multi-stage summer spectacle.
Inihayag kamakailan ni Libihoul na ang Netherlands, na may koponan din sa Tour de France at pangunahing lider sa pamamahagi ng Liquefied Petroleum Gas ang kanyang suporta.
Si Senator Francis ‘Chiz’ Escudero ang magpapaputok ng starting gun kasama sina Congresswoman Nanette Castelo Daza ng Quezon City at QC councilor Winnie Castelo para sa unang yugto ng karera na magmumula sa Quezon City patungong Lucena.