Heat di-umubra sa Celtics
BOSTON – Humugot si Paul Pierce ng 21 sa kanyang 28 points sa second half, kasama na rito ang isang go-ahead freethrows sa huling 97 segundo, upang tulungan ang nagdedepensang Boston Celtics sa isang 105-98 panalo laban sa bisitang Miami Heat.
Nabura na ang pag-asa ng Boston na maging No. 1 seed muli sa NBA Eastern Conference nang talunin ng Cleveland ang Philadelphia at tuluyan nang angkinin ang homecourt advantage sa conference finals.
Nakatulong naman ang naturang tagumpay ng Cavaliers sa tsansa ng Heat para sa No. 5 seat sa playoffs kontra sa 76ers.
Tumipa si Dwyane Wade ng 21 sa kanyang 31 points sa second half, tampok ang 9 assists, upang igiya ang Heat sa 95-all galing sa kanyang jumper sa ilalim ng huling 2:00 minuto sa laro bago umiskor ng walong puntos ang Celtics.
Sa Philadelphia, nagtumpok si LeBron James ng 27 points at 10 assists, habang may season-high 18 marka naman si Wally Szczerbiak para ibigay sa Cavaliers ang 102-92 panalo kontra sa Philadelphia 76ers at angkinin ang No. 1 playoff seed pati na ang homecourt advantage sa conference.
Tangan ng Cavs ang pinakamagandang home record sa 38-1 sa kanilang Quicken Loans Arena, samantalang ang nag-isang kabiguan ay nagmula sa Los Angeles Lakers noong Pebrero 8.
May 40-39 ngayon ang Sixers, nasa isang four-game losing slump matapos sikwatin ang isang playoff berth sa ilalim ng pumapanglima na Miami sa East.
San San Antonio, humaltak si Tony Parker ng 31 points upang ihatid ang San Antonio Spurs sa 105-99 pananaig laban sa Utah Jazz at makabalik sa karera para sa isang playoff slot.
- Latest
- Trending