Oracle kontra Licealiz sa PBL opener
MANILA, Philippines - Dalawa sa tatlong koponan na may bagong pangalan ang papagitna sa Abril 14 sa pagbubukas ng 2009 PBL PG Flex Unity Cup sa San Juan gym.
Haharapin ng Oracle, na nais panatilihin ang winning tradition ng sister team Harbour Centre, ang Licealiz (dating Hapee Toothpaste) sa alas-4 ng hapon na magsasara sa eksplosibong twinbill ng pangunahing amateur league sa bansa.
Sa pang-alas 2 na pambungad na salpukan, magtitipan naman ang last conference finalist Magnolia Purewater at Pharex na isa pa ring inaasahang mahigpitang laban dahil sa pagpapalakas ng dalawang team sa season-ending tournament.
Sinabi naman ni PBL commissioner Chino Trinidad na ang format ay maggagawad sa top three finishers matapos ang double-round elimination ng outright semis berths.
“That’s the beauty of the format that we’re going to use this conference, every game counts his time,” ani Trinidad.
Ang huling dalawang puwesto matapos ang elimination ay maghaharap sa best-of-three quarterfinal series. Ang No. 1 team sa kabilang dako ay may karapatang mamili ng kalaban sa semis sa third, fourth at fifth-placed teams matapos ang classification round.
Ang Cobra, na binubuo ng halos lahat ng star players ng University of the East ay sasabak naman sa aksiyon kontra sa Oracle sa Huwebes. Ang Lawrence Chongson-mentored squad ang pinakamalaking rebelasyon noong nakaraang kumperensiya.
- Latest
- Trending