Basadre umusad, Palicte bigo
BANGKOK –Mahusay na nalusutan ni Genebert Basadre ang kalabang Thai upang tabunan ang kabiguan ng kababayang si Aston Francis Palicte sa pagpapatuloy ng 31st King’s Cup sa Gnamwongwan Mall Convention dito.
Nagpakita ng mahusay na footwork at matatalim na suntok si Basadre upang daigin si Maethee Namuang ng host Thailand, 15-3.
Dahil sa tagumpay, umusad sa semifinals ang 2006 Sea Games gold medalist at Doha Asian Games bronze medalist, upang makaharap si Korean Joun Buk Hwan.
Hindi naman nagging mapalad ang 18 anyos na si Palicte nang igupo ito ng isa pang Thai sa katauhan ni Chatree Gnaognam, 14-10.
Apat na Pinoy boxers naman ang aakyat sa ring upang ipagpatuloy ang kampanya ng bansa.
Susubukan ni Asian Games gold medalist Joan Tipon si Butdee Chatchai ng Thailand-A sa kanilang 54 kg bakbakan, habangsasabak naman sa 60 kg. lightweight category si Joegin Ladon kontra kay Amangeldi Hudaybergenov ng Turkmenistan.
Nauna rito, makakaharap naman nang mga nagwagi noong opening day na sina Gerson Nietes (light flyweight 48 kg.) at Charley Suarez (featherweight 57 kg.) sina Samoylov Alexander ng Russia at Masook Wutthichai ng Thailand A, ayon sa pagkakasunod.
- Latest
- Trending