^

PSN Palaro

2009 Padyak Pinoy papadyak sa Mayo 8

-

MANILA, Philippines - Magbabalik ang Padyak Pinoy ang multi-stage race na minahal ng mga mahihilig sa bisikleta sa pagpadyak ng 2009 edisyon sa May 8-15.

At ito ay papalooban ng walong yugto ng karerang tatahakin ang mga matataas at mapaghamong kalsada na aabutin ng 1,500 km sa buong Luzon.

Muling ibabalik ng Dynamic Outsource Solutions, Inc, ang nag-organisa ng Padyak Pinoy ngayong tag-araw ang taunang tradisyon at sports spectacle on wheels na minahal ng Filipino cycling fans sa mahabang tag-init.

At upang masigurong muling tatanggapin ng local na komunidad at ligtas at kasiguruhan para sa mga riders, kinuha ng DOS-1 ang suporta ng mga government leaders maging ng local na pamahalaan tulad ng Public Works and Highways, Philippine National Police, Department of Tourism, Department of Health at Metro Manila Development Authority.

“We are bringing the Padyak Pinoy back this summer with the same exciting and competitive flavor its predecessor, the Tour, has been annually providing Filipino sports fans,” wika ni DOS-1 president at Tour organizer Gary Cayton.  “And again, the best qualified cyclists throughout the country will take center stage for a week of back-breaking, endurance-testing road competitions”.

Ang 2009 event ay magbibigay ng halagang P2M kabilang na ang mga special awards para sa mga natatanging siklista.

Ang Stage One ay criterium race sa The Fort sa Taguig. At ang Stage Two naman ay dadalhin ang mga siklista mula sa Quezon City Circle hanggang Cabanatuan City.  Ang Stage Three ay Cabanatuan City-Dagupan City; Stage Four-Dagupan City-San Fernando, La Union.  Stage Five, San Fernando, La Union, hanggang Vigan, Ilocos Sur. Team trial race naman ang Stage Six (Vigan-Laoag-Vigan).  Stage Seven sa Vigan-Benguet province,  at Stage eight, na tinaguriang killer lap, na tatampukan ng “Otso-Otso” at magsisimula at magwawakas sa Burnham Park sa Baguio City. 

May kabuuang 15 teams, na ipaparada ng limang may karanasang team captain ang maglalaban-laban para sa karangalan sa Padyak Pinoy.

ANG STAGE ONE

ANG STAGE THREE

BAGUIO CITY

BURNHAM PARK

CABANATUAN CITY

CABANATUAN CITY-DAGUPAN CITY

DEPARTMENT OF HEALTH

LA UNION

PADYAK PINOY

STAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with