^

PSN Palaro

Yap, sabik makalaro sa World Championship

- Joey Villar, Nelson Beltran -

MANILA, Philippines - Para kay James Yap sa mga kasama, ang tsansang makalaro sa world championship ang pinakamalaking motibasyon na nagtulak sa kanila para magtrabaho ng husto sa National team.

Sinabi ni Yap, ang 2006 MVP, na excited ito sa posibilidad na maging kauna-unahang Philippine team sa nakalipas na tatlong dekada na papasok sa world championship ang kanilang team.

“We only see ourselves playing our favorite NBA players in our dreams. It will be a dream come true if we make it there,” ani Yap.

“We have a chance to make our country proud so why not try our best to get it done,” dagdag pa ni Yap.

Naniniwala ang kamador ng Purefoods na maaaring maabot ang pangarap ng RP team, at sinabing natanaw niya ang mga kalaban nang siya ay alternate sa RP squad na nagpang-siyam sa 2007 FIBA-Asia championship sa Tokushima, Japan.

“We lost a close game to Iran. It could’ve gone the other way if not for some calls that went against us in the closing minutes. Iran barely escaped with the win and went on to top the tourney,” ani Yap.

“We intend to work hard in our training and I’m sure we’ll get better. Some good breaks, like good bracketing, could well give us a good shot at landing the top three in the coming Asian qualifier,” aniya pa.

Ang top three sa FIBA- Asia championship sa China sa August ang makakakuha ng tiket sa world championship sa Istanbul, Turkey sa susunod na taon.

Huling naglaro ang Philippines sa world championship noong 1978 nang ganapin ang event sa Araneta Coliseum. Ang team ay iginiya ni Nic Jorge at binubuo nina Ramon Cruz, Nathaniel Castillo, Alex Clarino, Joy Carpio, Pol Herrera, Padim Israel, Bokyo Lauchengco, Ed Merced, Cesar Teodoro, Steve Watson at Cesar Yabut.

Ang RP team naman na mamanduhan ni Yeng Guiao ay magsisimula ang biyahe sa kanilang paglahok sa SEABA Championship sa Medan, Indonesia sa Hunyo.

Samantala, kasalukuyang naglalaban pa ang Powerade Team Pilipinas at Australia sa Game 2 ng kanilang goodwill series, habang sinusulat ang balitang ito.

Sa kaugnay na balita, umiskor naman ng double-figures sina Raiza Rose Palmera, Socorro Borja at Jocy Positos upang banderahan ang FEU Lady Tams sa 65-61 panalo laban sa UP Lady Maroons sa curtain-raiser ng Game Two ng Motolite RP-Australia Goodwill Series.

FEU 65 - Palmera 19, Borja 10, Positos 10, Cabochan 5, Astrero 5, Sicat 4, Yazon 4, Supnet 3, Tanaman 2, Lim 2 Soriano 1, Leviste 0, Tiu 0.

UP 61 - Stevens 12, Casino 12, Paz 11, Cainglet 9, Bautista 8, Robello 6, Mercado 3, Binamira 0, Luna 0. 

Quarterscores: 12-14, 28-35, 50-49, 65-61.

ALEX CLARINO

ARANETA COLISEUM

AUSTRALIA GOODWILL SERIES

BOKYO LAUCHENGCO

CESAR TEODORO

CESAR YABUT

CHAMPIONSHIP

ED MERCED

GAME TWO

JAMES YAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with