Nietes mapapasabak agad
BANGKOK--Naging malinis ang unang araw ng 31st King’s Cup para sa Philippine contingent na kinakatawan ng pinaghalong beterano at batang boxers.
Lahat ng anim na boksingero ay nakapasa sa medical examination at weigh-in na ginanap ng umaga ng Sabado sa First Hotel sa Pratunam district ng downrtown Bangkok.
Ang draw, ay ginanap pagkatapos ng weigh-in at ang 17 anyos na si Gerson Nietes ay agad mapapasabak sa unang araw ng aksiyon sa Ngamwongwam Mall sa Bangkok. Makakaharap ni Nietes si Wardie Halder ng Syria sa 48 kg. lightflyweight category.
Aakyat din sa ring sa unang araw si featherweight (57 kg) Charly Suarez na makakatapat naman si Chantose Xayyalak ng Laos.
Sa Linggo naman, nakatakdang harapin ni Aston Francis Palicte si Gnaognam Chatree ng Thailand-B. Bilang host country, may pribilehiyo ang Thailand na maglagay ng dalawang koponan sa kompetisyon.
Tampok din sa ikalawang araw ang pakikipagpalitan ng kamao ni Genebert Basadre kay Namuang Maethee ng Thailand-B.
Sina Joegin Ladon at Joan Tipon naman ay sasabak sa ikatlong araw ng kompetisyon.
Nagpahayag ng kasiyahan si ABAP executive director Ed Picson, head ng delegasyon, sa kahandaan ng Pinoy boxers.
“They are in high spirits and expressed their determination to make the Philippines proud,” aniya. “The boys were also pleasantly surprised and inspired after the incentives pledged by ABAP chair Manny V. Pangilinan and president Ricky Vargas of P30,000 for a gold medal, P20,000 for silver and 10,000 for bronze were announced.”
- Latest
- Trending