^

PSN Palaro

Maaari pang maging 8 ang miyembro ng NCAA sa pag-dribol ng Season 85

-

MANILA, Philippines - May posibilidad pang bumalik sa walo ang mga koponang makikita sa darating na Season 85 ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) men's basketball tournament na nakatakda sa Hunyo 27 sa Araneta Coliseum.

 Ito ang ibinunyag kahapon ng bagong NCAA president na si Fr. Mat de Jesus, OSB, ng host school San Beda College matapos ang pulong ng NCAA Board sa Casa Español sa Ermita, Manila.

 “I would say it’s a future possibility, hopefully within the next few days we can also share with you what the NCAA can look forward to,” wika ni de Jesus.

 Matapos payagang makabalik noong nakaraang taon, muling nailagay sa indefinite leave of absence ang Pilippine Christian University ngayong 2009, samantalang apat na aplikante naman ang pinag-aaralang tanggapin ng NCAA.

 Isang pulong ng NCAA Policy Board ang nakatakda sa Biyernes hinggil sa mapipiling pang walong miyembro ng NCAA.

 Kabilang rito ay ang Arellano University, Emilio Aguinaldo College, Lyceum at ang Angeles University Foundation, ayon kay de Jesus, isa sa mga nagnanais na palobohin sa 10 ang members schools ng collegaite league sa 2010.

“With seven, less people, less fans, less students. More schools means we have more students, more fans and people involved,” sabi ni de Jesus, kumpiyansang maduduplika ang matagumpay na pamamahala ng Mapua Institute of Technology noong 2008. “It’s a tall order for me, probably a hard act to follow. I feel honored, I feel so small in this moment carrying the banner of the NCAA."

 “I feel confident at the same time because the members of the Policy Board as well as the Management Committee are very supportive and dependable groups of people and I’m very grateful,” dagdag ng bagong NCAA chief.

Optimistiko naman si Dr. Reynaldo Vea na gagawin ng San Beda ang lahat para sa hosting ng NCAA.

“We’re very confident San Beda will host a very fine season for NCAA and we’re very glad to turn it over,” ani Vea.   (RC)


ANGELES UNIVERSITY FOUNDATION

ARANETA COLISEUM

ARELLANO UNIVERSITY

CASA ESPA

DR. REYNALDO VEA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

NCAA

POLICY BOARD

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with