^

PSN Palaro

Ikatlong world title ang puntirya ni Peñalosa

-

MANILA, Philippines - Sa kanyang paghahamon kay Puerto Rican world super bantamweight champion Juan Manuel Lopez sa Abril 25, tuluyan nang nahubad kay Filipino Gerry Peñalosa ang dati niyang hawak na world bantamweight belt.

Kahapon, tinalo ni Mexican Fernando Montiel si Diego Silva via third round TKO upang angkinin ang World Boxing Organization (WBO) bantamweight crown na binakante ng 36-anyos na si Peñalosa.

Si Montiel, may 39-2-1 win-loss-draw ring record kasama ang 29 KOs, ang dating tumalo kay Filipino challenger Z “The Dream” Gorres sa kanyang pagdedepensa sa dating tangan na WBO super flyweight title.

Sa kanyang paghahamon kay Lopez, hangad ni Peñalosa ang kanyang pangatlong world boxing crown matapos maghari sa World Boxing Council (WBC) super flyweight at sa WBO bantamweight division.

“Para kay Pareng Gerry, buo ang aking paniniwala na ang kanyang tapang at kakayahan bilang isang beteranong boxer ang magiging susi ng kaniyang tagumpay sa April 25,” ani Manny Pacquiao sa kanyang kumpareng si Peñalosa.

Nakatakda ang banggaan nina Peñalosa at Lopez sa Abril 25 sa Bayamon, Puerto Rico.

Bukod kay Peñalosa, nakatakda ring lumaban si Filipino super bantamweight sensation Bernabe Concepcion kay Steven Luevano para sa suot nitong WBO featherweight crown sa undercard nina Pacquiao at Ricky Hatton sa Mayo 2.

“Si Concepcion naman ay bata pa pero sa tingin ko ay handa na siya upang maging isang world champion” ani Pacquiao kay Concepcion. “Nakita ko ang kanyang tapang at galing noong isang taon nang manalo siya kontra sa isang Mexicano at kahit na duguan ang kanyang mata, tinapos niya ang laban sa pamamagitan ng isang knock-out.” (Russell Cadayona)

ABRIL

BERNABE CONCEPCION

DIEGO SILVA

FILIPINO GERRY PE

JUAN MANUEL LOPEZ

KANYANG

KAY

LOPEZ

MEXICAN FERNANDO MONTIEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with