Shakey's V-League Summer Camp, simula na

MANILA, Philippines - Magsisimula na ang Shakey’s V-League Summer Camp ngayong alas-8 ng umaga para sa mga batang babaeng may edad 9-14 sa Ateneo Blue Eagle gym.

Tatanggapin pa rin ang mga late enrollees bago magsimula ang sesyon ayon sa organizing Sports Vision, kung saan ang mga pangunahing player sa bansa ang magtuturo. Ang bayad ay P2,500 kasama ang training kit na kinapapalooban ng Shakey’s V-League Summer volleyball camp shirt, sports bottle, sportsbag, face towel at volleyball na may meal stabs sa lahat ng araw.

Mayroon apat na sesyon bawat araw: 8-10 a.m., 10-12 noon. 1-3 p.m., at 3-5 p.m. Magkakaroon din ng festival sa pagtatapos ng camp kung saan hahatiin ang mga kabataan sa apat hanggang 10 grupo.

Ang walong araw na camp, hatid ng Shakey’s Pizza ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na makadiskubre at maka-develop ng future players at palakasin ang pagpapaunlad ng naturang sport.

Kabilang sa mga magtuturo ay sina Shakey’s V-League stars Mary Jean Balse at Suzanne Roces kasama din sina Laurence Ann Latigay, two-time NCAA Most Valuable Player, at national team mainstay Jinni Mondejar.

Ilan sa mga ituturo ay ang spiking, basic receiving, blocking, at maging ang stretching at iba pang drills.

Show comments