^

PSN Palaro

Gallego, Japan Open champion

-

MANILA, Philippines - Tinalo ni Ramil Gallego si Ro Liwen ng Chinese-Taipei, 9-3, upang makumpleto ang sweep at maghari sa Japan Open 9-Ball Championship sa Tokyo, Japan.

Bunga nito, si Gallego ang ikalimang Pinoy na nagwagi sa prestihiyosong event na nilahukan ng mahigit 400 cue artists mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Upang makarating sa finals. Tinalo ni Gallego ang kababayang si Efren ‘Bata’ Reyes, 9-2 sa quarterfinals at Japanese Tanaka Masaki, 9-3 sa semifinal round.

Sa kabilang dako, pinatalsik ni Ro ang kababayang si Ko Pinyi, 9-8 sa quarterfinals at sinilat si dating World Pool king Alex Pagulayan, 9-4 sa semis.

At dahil sa panalo ding ito, sinundan ni Gallego ang yapak nina dating Japan Open champion Dennis Orcollo (2008) Pagulayan (2007), Reyes (2005), at Bustamante (2002).

“Masayang-masaya ako dahil sa panalong ito. Gustong-gusto ko talagang manalo dito,” ani Gallego.

Muntik nang masungkit ni Gallego ang Japan Open crown noong 2003 pero natalo siya sa finals.

ALEX PAGULAYAN

BALL CHAMPIONSHIP

DENNIS ORCOLLO

GALLEGO

JAPAN OPEN

JAPANESE TANAKA MASAKI

KO PINYI

REYES

RO LIWEN

TINALO

WORLD POOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with