BEST Center school umabot na sa probinsiya
MANILA, Philippines - Umabot na sa tuktok ang Milo-sponsored BEST Center sa pagdaraos ng 37 clinics sa Metro Manila at 26 pa sa probinsiya sa pagpapalawig ng BEST Center sa buong bansa.
Sa Metro Manila lang, may 12 lugar nang napili ang BEST Center kabilang ang bagong host ng Pace Academy at St. Clare-Caloocan at patuloy pa ring nakikipag-usap ang BEST Center chairman at founder Nic Jorge sa posibleng pagdagdag ng paaralan at gymnasiums.
“The response we’re getting from venues and school institutions is tremendous,” ani Jorge.”It is proof that 31 years after the founding of the BEST Center, young cagers and their parents still trust and come back to train with the BEST Center. In fact, even former professional basketball stars bring their kids to us, completing a cycle years after they have trained with us, themselves.”
Ayon pa kay Jorge, nagsimula na ang enrollment sa Christ the King Seminary sa E. Rodriguez Avenue sa Quezon City para sa Monday at Thursday session sa Introduction to Basketball Levels 1-3 sa ganap na ala-una hanggang alas-4 ng hapon simula Abril 2-30.
Samantala, tumatanggap na ng estudiyante para sa Tuesday at Friday session, ala-una hanggang alas-4 ng hapon sa Abril 3 hanggang Mayo 1 ang St. Clare College sa Camarin, Caloocan City.
Dumayo na rin ang BEST Center sa pangunahing lungsod at probinsiya sa Roxas City, Cebu, Laguna, Pampanga, Batangas, Zamboanga, Bacolod, Baguio, Iloilo, Pangasinan, General Santos, Butuan, Davao at Tuguegarao.
Ang mga enrollees ay tatanggapin sa BEST Center office sa 34 Scout Lozano, Barangay Laging Handa, Quezon City
Para sa lahat ng interesadong partido tumawag sa 411-6260 at 372-3065-66.
- Latest
- Trending