^

PSN Palaro

Dignos ng Cebu nagtala ng upset

-

MANILA, Philippines - Humatak ng upset na panalo si Velmark Dignos ng Cebu City-A kontra kay Cholem Alabado ng Bago City sa school boys division sa panimula ng Smart/ABAP Area Amateur Boxing tournament sa Kananga Municipal gym sa Kananga, Leyte noong Lunes.

Pitong laban ang pumagitna sa paunang pagtatanghal na pambansang paghahanap na talento na inorganisa ng Amateur Boxing Association of the Philippines na naglalayong makadiskubre nang hahasaing boksingero para mapabilang sa national team.

Bukod sa school boys class (37-38.5 kgs), ang iba pang kategoryang napili ay ang junior boys (38.5 - 40 kgs) at youth boys (48 kgs).

Bumangon naman ang Bago City team sa junior boys category nang pigilan ni Rogen Ladon si Alexander Morales ng Ormoc sa unang round.

Tinalo naman ni Anthony Sabalde ng Cebu si Acbar Collao ng Ormoc sa youth boys division at nanaig naman ang kakampi niyang si Rodel Yap kay Antonio Gutang ng San Carlos City.

Sa iba pang resulta, tinalo ni Jack Tepora ng Cebu City-A si Alil Ali ng Cebu City-B at naungusan ni Espiridion Pubadora si Roel Berong ng Bohol, namayani si Niel Bryan Unay ng Northern Samar kay Pedro Balaba ng Bohol, habang dinispatsa ni Michael Duazo ng N. Samar si Jerald Casimiro ng Ormoc.

ACBAR COLLAO

ALEXANDER MORALES

ALIL ALI

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ANTHONY SABALDE

ANTONIO GUTANG

AREA AMATEUR BOXING

BAGO CITY

BOHOL

CEBU CITY-A

ORMOC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with