MANILA, Philippines - Handa na ang lahat patu-ngo sa Ormoc City at Kananga sa Leyte sa pagsuntok ng 1st Smart/ABAP Area Boxing tournament sa linggong ito kung saan umaasa ang mga boksingero mula sa iba’t ibang bahagi ng Visayas na magaga-mit nila itong hagdanan patungo sa pagpasok sa national boxing team.
Ang event, bukas sa mga batang lalaki na may edad 11 hanggang 12 anyos at youth category (under-19), ay bahagi ng long term program ng ABAP na may layuning makakuha ng kauna-unahang Olympic gold. Ang ABAP, sa ilalim ng liderato na pinamumunuan ni chairman Manny V. Pangilinan at president Ricky Vargas ay abalang-abala na sa paghahanda para sa 2012 Olympics sa London.
Ang elimination round ay gaganapin sa Kananga Municipal gym habang ang semis at finals naman ay sa Ormoc City Plaza sa Marso 25-26.
At tulad ng inaasahan, papatunayan ng perrenial winner Bago City boxing team sa bagong liderato na sila ang tahanan ng mga world-class amateur boxers lalo na at ang kanilang mga batang boxers ay nagsasanay sa ilalim ng dating Olympian na si Leopoldo Cantancio.
Ang Bago City, na kamakailan lamang ay gumastos ng milyon para sa pagpapaayos ng ABAP gym, ang tahanan ng ilang amateur boxers na babanderahan ni 1996 Olympic medalist Mansueto ‘Onyok’ Velasco at kapatid na si Roel Velasco, 1992 Olympic bronze medalist.
Sina dating international campaigners Reynaldo Galido, Isidro Vicera at Larry Semillano ay nagmula din ang ugat sa Bago City.
Samantala, nakahanda naman din ang Bacolod na hamunin ang Bago City bilang amatuer boxing hotbed lalo na at pinalalakas sila ng mayamang tradisyon. Suportado ni congressman Monico Puentevella, ang Bacolod ay nakapagproduce naman ng world champions sa pro ranks tulad nina dating world minimumweight champion Joma Gamboa at kasalukuyang 105lb kingpin Donnie Nietes.
Galing sa matagumpay na kampanya sa katatapos na 2009 Smart National Open, Youth at Women’s Boxing Championships nagtapos sila na overall champion.
Ang ama ni Gamboa na si Cesar Sr. ang head coach ng Bacolod habang ang pamangkin ni Nietes na si Gerson naman ay bahagi ng national training pool sa Baguio City.
Sinabi naman ni Northern Samar Governor at ABAP Region 8 president Raul Daza na hawak naman nila ang home court advantage na magiging sandata sa kanilang kampanya na makapagproduce ng world beaters dahil dumarami na ang bilang ng boksingero na mula sa Samar, Leyte at Biliran provinces.
Makakasama sa isang torneo ang mga boxers na kakatawan mula sa Cebu, Tagbilaran, Dumaguete at Ormoc.