Pansariling karangalan pa rin ang hinahangad ng mga siklista
MANILA, Philippines - Bagamat pagtutuunan ng pansin kung paano magpiperform ang bawat team, mas malamang na ang individual na karangalan pa rin tulad ng mga nagdaang karera ang pag-iinteresan sa pagpadyak ng Tour of Luzon.
Pangunahing contenders pa rin ang mga datihang kampeon na sina Rhyan Tanguilig, Arnel Quirimit, Warren Davadilla at Santy Barnachea para sa pitong araw na karera kasama ang mga beteranong siklista na sina Lloyd Reynante, Merculio Ramos, Baler Ravina, Dante Cagas, Sherwin Carrera at Lito Atilano.
Inorganisa ng Liquigaz, pangunahing LPG distributor na Liquefied Petroleum Gas Marketers Association, ang April 13-19 multi-stage bikathon ay magiging saksi din sa pagsibol ng mga promising cyclists.
Sinabi ni LPGMA president Arnel Ty na magiging kalaban ng mga beteranong siklista sa maningning na titulo sina Ericson Obosa, Ronald Gorantes, Jay Tolentino, Oscar Rendole, Nilo Estayo, Mark John Guevarra, Sherwin Diamsay, Tomas Martinez, John Ricafort, Nicanor Guanzon, Roberto Pagala, Jayson Garillo, Salvador Salvador at Alfredo Mapa.
Inaasahang tutulong naman sa mga koponan at maghahangad din ng pansariling karangalan sina Joseph Millanes, Allan Ricafort, Emil Pablo, Manuel Naluz III, Jeffrey Monton, Edward Nardo, Benito Lopez Jr., Hilson Mangahis, Joel Calderon, Oscar Fronda, Arthus Bucay, Gerald Espiritu at Julius Diaz at marami pang ibang siklista na maghahangad sa kabuuang premyong P2M.
Ang iba pang siklistang sasabak sa aksiyon ay sina Bryan Sepnio, Rodolfo Malangsa, Gerald Valdez, Tots Tomido, Ronnel Hualda, Jayson Mananguit, Francisco Ramos, Romnick Narbay, Joseph Salcedo, Ninoy Bolleser, Joel Duenas at Nikko Banas, Roberto Delos Reyes, Eugenio Gomez, Marlon Caranto, Dominador Marana Jr., Ruel De Paz, Rhamie Reguyal, Marwin Mandi, Carlos Leonardo Jr., Edgardo Gregorio, Dave Siarot, Virgilio Quintia, Hermogenes Hizon, Dan Sembrano Jr., Dolar Leal, Joselito Sison, Ricardo Samayo Jr., Alexie Camerino, Jemico Brioso, Reedam Galaping, Oliver Nebres, Carlo Labasan, Rico Bundad, Jackie Lloyd Berjamie, Gregorio Bergonio, Danzel Yaranon, Michael Ochoa, Reynaldo Lopez, Gary Merez, Julius Calderon, Ronald Roldan, Ryan Dogelio, Carlos Nadyahan, Wilfredo Valdez Jr., Mark Julius Bonzo, Edgar Torres, Christopher Rodriguez, Anthony Miranda at Alvin Pinano.
Ang mga alternates naman ay sina Robert Cumlat, Federico Alilio, Edwin Nano, Lazaro Santos, Alex Ortega Jr., Roberto Gutierrez, Romeo Millanes, Juanito Libundo Jr., Rene Hadap at Arland Macasieb.
- Latest
- Trending