^

PSN Palaro

Purefoods nagpalit ng import

- Joey Villar, Nelson Beltran -

MANILA, Philippines - Determinado na maging maganda ang ipakikita sa 2009 Motolite PBA Fiesta Conference, nagdesisyon ang Purefoods Tender Juicy na kunin ang serbisyo ni Jahmar Thorpe, kapalit ni Brian Hamilton na sumadsad ang laro matapos ang magandang panimula.

At dahil hindi pa pwede si Marquin Chandler, na kasalukuyang may kontrata sa Japanese league, kinuha ng Giants si Thorpe, na produkto ng University of Houston.

Ang 24 anyos na si Thorpe ay dumating kagabi. Kailangan munang dumaan ito sa sukatan sa PBA office ngayon bago niya makasama ang Giants sa kanilang biyahe sa Victorias, Negros Occidental kung saan makaka-aban nila ang Rain or Shine bukas.

Mula sa 2-0 panimula ng Giants, nagsimulang sumadsad ang Giants dahil na rin sa pagbaba ng laro ni Hamilton makaraan ang triple-double debut nito na naghatak sa 131-121 panalo laban sa Talk N Text Tropang Texters noong Marso 3.

Samantala, sisikapin ng Burger King na masustina ang kanilang pananalasa, sa pag-asinta nila sa ikatlong sunod na panalo laban sa Coca-Cola sa pagbabalik ng aksiyon sa Araneta Coliseum ngayon.

Umaasam naman ang Alaska Milk ng ikalawang panalo habang magtatangka namang bumangon ang Barangay Ginebra mula sa 3-game losing skid sa kanilang paghaharap sa alas-7:30 ng gabi.

Samantala, kasalukuyang naglalaban naman ang San Miguel Beer at Sta. Lucia sa Ynares Sports Center sa Pasig City habang sinusulat ang balitang ito. 

ALASKA MILK

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

BRIAN HAMILTON

BURGER KING

FIESTA CONFERENCE

JAHMAR THORPE

MARQUIN CHANDLER

NEGROS OCCIDENTAL

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with