Birthday gift kay Guiao
MANILA, Philippines - Sa pagpapalit ng Burger King ng kanilang monicker mula sa Titans pabalik sa Whoppers sa ilalim ng dating pamamahala ng Lina Group, masayang nagdiwang ang mga ito sa pamamagitan ng 123-110 pananalasa sa Barako Bull Energy Boosters kagabi sa Motolite PBA Conference sa Araneta Coliseum.
At bilang paunang regalo kay coach Yeng Guiao na magdiriwang ng kanyang ika-50th birthday ngayon, nagpamalas ng A-1 performance ang Whoppers nang luma-mang ito ng hanggang 28 puntos sa ikaapat na quarter tungo sa pagkupit ng ikatlong panalo sa limang asignatura.
Ito na ang pinakamagandang laro na ipinakita ng Brger King ni Guiao sa dati niyang ball club na Barako Bull.
“It could have been another way. It so happened that we had an extra ordinary night. Everybody played well without exception,” ani Guiao matapos ipalasap ng Whoppers sa Energy Boosters ang kanilang ikaapat na kabiguan laban sa isang panalo.
“I guess it’s partly a result of stability we’ve got after the closure of the management change. Those talks and the uncertainties caused little distraction to the team. The distraction is gone now that we already know the situation,” dagdag ni Guiao.
Tunay na nagpakita ng magandang laro ang Whoppers na nagbigay-daan sa kanilang import na si Shawn Daniels na makapagpahinga sa buong ikaapat na quarter.
Gayunpaman, nakapagtala pa rin ng double-double performance si Daniels sa kanyang kinanang 12 puntos at 12 rebounds na sinuportahan ng local BK players na sina Arwind Santos, Gary David, Erick Rodriguez, Cholo Villanueva at Marvin Cruz na nagtala ng double figures sa pag-iskor.
Binanderahan ni import Scoteer McFadgon ang lahat ng scorers sa Barako Bulls sa kanyang inilistang 31 puntos ngunit higit sa kalahati ng kanyang ginawa ang halos nakasiguro na sa panalo ng BK.
Samantala, kasalukuyan pang naglalaro ang Ginebra at Rain or Shine habang sinusulat ang balitang ito.
- Latest
- Trending