^

PSN Palaro

Bautista, inoperahan sa kamay, pagbabalik sa ring naantala

-

MANILA, Philippines - Pansamantalang maaantala ang plano sanang pagbabalik sa world boxing scene ni Filipino super bantamweight sensation Rey “Boom Boom” Bautista.

Sumailalim ang 22-anyos na pambato ng Candijay, Tagbilaran mula sa isang operasyon sa kanyang kaliwang kamay na mangangailangan ng halos anim na buwan na pamamahinga, ayon kay manager Michael Aldeguer.

Sinabi ni Aldeguer na ang naturang wrist injury ang siyang naging dahilan ng matamlay na laban ni Bautista. 

Huling lumaban si Bautista noong Nobyembre nang umiskor ng isang unanimous eight-round decision kontra kay Mexican Heriberto Ruiz sa undercard ng laban ni Briton Ricky Hatton kay Australian Paul Malignaggi sa Las Vegas, Nevada.

Bago ito, nanggaling muna si Bautista buhat sa isang first-round TKO kay Mexican Daniel Ponce De Leon para sa World Boxing Organization (WBO) superbantamweight title noong 2007 sa Sacramento, California.

Ang naturang kabiguan ang kauna-unahan pa lamang ni Bautista, nasa kampo ng Golden Boy Promotions ni Oscar Dela Hoya, sa kanyang professional boxing career.

 Mula rito ay apat na sunod na panalo ang itinala ni Bautista, ang huli ay kontra kay Ruiz. (RC)

AUSTRALIAN PAUL MALIGNAGGI

BAUTISTA

BOOM BOOM

GOLDEN BOY PROMOTIONS

HERIBERTO RUIZ

LAS VEGAS

MEXICAN DANIEL PONCE DE LEON

MICHAEL ALDEGUER

OSCAR DELA HOYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with